Chapter 11

3.4K 72 1
                                    

Sandra's POV

Pagkatapos nung walkout thingy, nung makalayo layo na kami ay nilingon namin sila at nakita nalang namin silang nagkatinginan at nakakamot batok pang parang naguguluhan.

Naku naman, muntik na kami kanina, ah! Wew! Mabuti at mabilis kaming kumilos at nailagay agad namin ang aming mga contact lens!

Ninyerbos ako dun ah! Akala ko talaga uusisain nila kami kung yun ba yung totoong kulay ng mata namin or so whatever, mabuti nalang at hindi nila kami natanong bago kami nagwalkout.

Hindi namin alam na napasarap pala ang tulog namin, dahil natapos nalang ang first subject, at hindi daw kasi pumasok yung second teacher namin sa second subject, kaya pala nahanap kami nung mga prinsipe kuno ay dahil pala freetime.

Pumunta nalang kami sa cafeteria at umorder ng cheeseburger at iced tea, tig-iisa kami at pumunta sa pinaka likod na parte ng cafeteria kung saan vacant ang 4 seaters table at naupo na kami.

Habang kumakain, maraming pasimpleng tumitingin sa amin sa hindi namin malamang dahilan o baka ang papangit lang talaga namin. Tsh.

Mabilis nalang namin itong tinapos at bumalik sa room, ang iingay nila, may nagbabatuhan ng papel, may nagsisigawan, may nagtatawanan, at may nag-aaway pero pagkakita nila sa amin, masasamang tingin naman ang pinukol sa amin nung mga kaklase naming ng bintang.... Ng totoo! HAHA!

Hindi nalang ulit namin sila pinansin at dumeretso sa upuan namin, kumuha ng libro at tinaklob sa mga mukha at natulog.

Nagising kami ng marinig namin ang mga kaluskus, kaluskus ng mga upuang inaayos at mabibilis na kilos ng mga kaklase namin.

Pagkatanggal namin sa libro, saktong pumasok yung teacher namin. Tsh, kaya pala ang bibilis kumilos, papasok na pala yung teacher.

"Good morning class! Now get your math book and open it on page 63!" sabi nung teacher namin, sinunod nalang namin siya at kinuha ko yung libro ko pero pagtingin ko sa mga katabi ko...

Tulog na naman! Tss.

Pinabayaan ko nalang sila dahil kung gigisingin mo yan, mababad-trip yan, lalo na si Zendra, nasaksihan niyo na naman kung pano yan mabad trip diba? Oh pwes, wag ng ulitin.

Nakinig nalang ako at ayun nga, nakinig ako hahahaha, okay whats funny?

Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni maam, nakita niya yung mga katabi kong natutulog, pumunta siya sa harap ko, bilang ako ang nasa gilid sa gitnang part kung saan nadaan yung mga dadaan.

"Oh, buti ikaw hindi natulog? Mabuti at hindi ka katulad ng mga kasamahan mong nerds, tsk," masungit na sabi nung teacher namin.

"Oh, kayong tatlo, gising! Hoy! gising!"

No effect 'yan, ma'am. Mga mantikang tulog 'yan.

"Hoy! Gising sabi eh!"

Di magigising 'yan, ma'am.

"Gising!"

Balakajan, ma'am. 

"Hoy gising! Tabi nga!" With matching tapik-tapik pa isa-isa sa pisngi nila.

Anubayan, ma'am.

"Aba! Gising oy!"

Sige, ma'am, cheer kita.

"Ah ganun ah! SABING GUMISING KAYOOO!"

"Ay! Tandang panget!" Sigaw bigla ni Phany.

"Puta! Shit!" Malutong na mura ni Drea.

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now