Chapter 32

2.8K 58 0
                                    

Phany's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nina Ash, well lasing na lasing kaming umuwi kagabi, natagalan kasi kami dun kasi nalaman naming sila Zendra at Ash na pala at kagabi lang kaya plus celebration, at alam na rin ng boys na kami ang ranked 1 gangsters ng GDome.

Flashback

"So, apat na kayong magka-relasyon, apat narin kaming wala. Pano bayan?" sabi ko at may ibinulong naman sakin si Jester.

"Soonest," malambing niyang bulong, namula naman agad ako. Yun yung nangyari sa cafeteria.

---

At the club.

"Wohhhh! Party Party!" Sigawan namin, tsaka bigla namang pinuntahan ni Ash si Zendra at may sinabi tsaka sila umakyat.

Nag-inuman lang muna kami at nagpaka-wild habang hinihintay sila Zendra.

Ilang minuto pa ang hinintay namin hanggang sa dumating sila Zendra.

Pagkadating nila, magkahawak kamay sila pero si Ash ay parang tulala o may malalim na iniisip.

Tiningnan namin si Zendra at binigyan naman niya kami ng 'alam-na-niya' look kaya nagets agad namin.

"U-uhm, P-poisonous Kn-knife?" Nauutal na tawag ni Ash sa akin, tiningnan ko lang siya at agad akong tumingin sa reaksiyon ng ibang lalaki.

Naguluhan sila at maya maya ay biglang tumawa.

"HAHAHAHAHAH! Langya! Anong pinagsasabi mo lider? HAHAHAHA! Wag ka ngang nagjojoke!" Naka-hawak tiyan na utal ni Jester.

"Oo nga! HAHAHAHAHA!" Tawa pa nila. Tsh. Ayaw niyo maniwala, ah.

"Do I look like I'm joking?" Naku, balik english word si kuya.

"HAHAHAHAHA! Ehem, ano? H-huh? Teka nga, ano ba pinagsasabi mo?" Naguguluhang sabi ni Stephen.

"Well, may I introduce myself to all of you, I'm Zethandra Rickzell Fuenson, the ranked 1 Death Dagger of Dark Devilish Angels in Gangster Dome, Gangster World," ginamit ni Zendra ang boses na ginagamit niya lagi sa GDome kapag hindi siya nag vovoice changer, na agad naman nakuha ng boys at parang biglang natakot at umatras ng bahagya.

Yan, kahit ranked 1 rin sila, kung ilalaban kami, kami pa rin kasi ang panalo, ganyan kami kagaling!

"K-kung ikaw si D-death Dagger, who's R-ruthless K-katana?" Nauutal na tanong ni Stephen. Napalunok pa na parang may binabalikan siyang alaala, napatingin rin siya isa-isa sa amin.

"Here, babe, your one and only Ruthless Katana," nang-aakit na ani ni Sandra. Tsh, lasing na ang bruha.

Agad namang tumuro sa akin si Jester, unti-unti ng nakakabawi sa pagkabigla.

"So, your Poisonous Knife? Ikaw yung tinawag kanina ni Ash?" Seryosong tanong ni Jester at tumango naman ako, nagulat ako ng agad niya akong niyakap at hinalik-halikan ang ulo ko. Baliw.

"Wahh! Ang astig ng soonest kooo!" Nababading niyang tili sa tenga ko, hinampas ko naman siya sa braso.

"Aray! Gangster ka nga!" Saad niya at nagwink with matching lip bite sa akin, inirapan ko nalang siya kaya agad naman niya akong inakbayan.

A Gangster's Love | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon