Chapter 21

3.1K 77 6
                                    

Stephen's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Zeus, specifically sa kwarto niya.

Isang linggo na ang lumipas at sa isang linggo na yon, ang ginawa lang naman namin ay ang matyagan ang apat na babaeng nagngangalang Zethandra, Alexandrea, Cassandra at Stephanie. Ang gagandang pangalan pero napaka misteryosa nga lang.

Pero maiba nga, napakamisteryoso talaga ng mga babaeng to parang may something eh!

Something, something, something! Kairitang something!

"Mga dude! May iba talaga sa mga babaeng yun! Ba't marunong sila manuhod? Alam ko namang madali lang manuhod pero yung sakanila kasi, may impact eh! Parang isang tuhod lang, knockdown ka na! Nakita niyo naman yung nangyari kahapon doba? Knockdown agad yung lalaki!" Sabi ko.

"Oo nga, eh! Simula ngayon  imbestigahan na natin sila!" Parang tangang sabi ni Jester.

"Tsk, nagsimula na nga tayong magmatyag sa kanila nung Lunes pa eh!" Sabi naman ni Zeus! Luh, bobo, ammp!

"Bobo! Imbestiga hindi matyag!" sabi ko at binatukan siya.

"Bakit?! Hindi pa kasali sa pagiimbestiga ang pagmamatyag?! Ha?!" Laban pa niya, teka nga, oo nga no! HAHAHAHA. Ako pala yung bobo, ih, sornaman!

"HAHAHAHHA! Oo nga, no!" Sabay pa na sabi namin ni Jester at nag apir, HAHAHAHA! Langya, kabobohan 2.0!

"Ang iingay niyo," singit bigla ni Ash.

"Naku! Nagalit na si leader! Lagot HAHAHAHAHA!" Sabi ni Jester, tamo to! Meron bang nananakot na tumatawa? Baliw!

"Tsk, gago!" Knis na sigaw ni Ash na naglalaro ng Xbox kasama si Zeus.

"HAHAHAHAHA, wala na Ash talo ka na!" Sigaw ni Zeus nagkatinginan kami ni Jester at tumabi sa gitna nilang dalawa na busy sa paglalaro.

"Oh, Jester, pustahan tayo oh! Matatalo pa yan si Zeus! Manlilibre ako pagnanalo siya," sabi ko.

"Oo ba, sige! Manlilibre rin ako kapag natalo si Zeus! Team Zeus ako!" nakangising sabi ni Jester.

Nakangisi kaming tumingin sa dalawang seryosong naglalaro, hah! Akala ni Jester matatalo si Ash!? Hindi paba siya sanay na ako lang ang nakakatalo kay Ash at minsan ko nga lang siya matalo eh! Hahahaha may libre!

"Ay, teka nga pala, Jester! Librehan mo rin silang dalawa ah! Pagnanalo ka!" sabi ko.

"Aba! Oo ba! Maliit na bagay!" Mayabang niyang tugon, hah! Tignan natin..

---

"HAHAHAHA yun! Gusto ko yun, Jest!"

"Oo nga, astig! Mamahalin! Yun rin!"

"I want that one, that black, world balance shoes."

Nandito kami ngayon sa mall at lahat ng gusto namin ay binibili namin, ay hindi pala, libre pala ni Jester HAHAHAHAHA!

Pano ba naman? Natalo! HAHHAHAHA! Talo kasi si Zeus kaya ayun talo rin siya, ayaw pa nga niyang manlibre kay Zeus eh, kasi dahil raw nagpatalo talaga si Zeus upang makapag-panlibre siya, na siya ring tunay! Laptrip talaga, syet! HAHA!

"Oyy! Maawa naman kayo sakin, oh! Mamumulubi ako neto, eh!" Kunyaring paiyak na si Jester.

"Ang yaman niyo kaya!" Katwiran naman ni Zeus.

"Sige na nga lang!" Pagsuko niya sabay bili ng mga gusto namin.

That's right, dude. AHAHA!

Pagkatapos ng ilang oras, nagpasya kaming kumain sa isang Korean Restaurant.

"Magorder na kayo Stephen at Jester! Kami na maghahanap ng lamesa ni Ash!" Utos ni Zeus.

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now