Chapter 26

2.8K 65 0
                                    

Zendra's POV

Pagpatak ng alas-9 pinahanda ko na sila at dumeretso na kami sa parking lot namin sa gangster section at kinuha yung mga ducatti namin tsaka nagpaharurot papuntang GDome.

---

Ilang minuto lang ang tinahak namin papuntang GDome at tsaka mabilis na nagpark kami at nag handa.

Tiningnan ko sila at tumango naman agad sila, inayos ni Sandra yung backless niyang itim na fitted shirt, para kita yung tattoo niya, kay Phany naman naka off shoulder siya, at kay Drea naman long sleeve while me, naka long sleeved loose croptop na black lang.

Pumasok na kami at natahimik naman agad ang mga gangster sa loob.

"Yo, yo! Welcome back Dark Devilish Angels!" Anunsyo ng host pagkakita sa amin, tinanguan nalang namin siya bilang tugon.

Dumeretso kami sa lagi naming upuan kung saan ang upuan ng rank 1.

Patago kong inikot ang mga mata ko nagbabakasakaling makita yung nagimbita sa aming makipaglaban at tamang tama sa sulok ng Gdome may nakita akong isang grupo ng mga lalaki na nakatitig sa amin, halata naman na sila yung nag imbita sa amin eh, the way na tumingin sila, halatang halata.

Minu-minuto kong sinusulyapan ang grupong yon hanggang sa nakita kong may isa sa mga lalaki na tumayo at pumunta sa host tsaka may sinabi atsaka tumango narin yung host.

"Oh, what we have here! This boy beside me is came from the gangster group, rank 20! And he said, his group wants to invite Dark Devilish Angels and take them down, they want to steal the throne of the queens, so, DDA do you accept the invitation?" Masaya at excited na anunsiyo ng host.

Nagkatinginan kami ay sabay sabay na tumango.

"And there we have it! Our queens accepted the invitation! So, what are we waiting for? Let the fight begin!" Sigaw ng host tsaka pina ready yung death center.

Pumunta kami ng Death Center na pacool lang, pero may iba akong pakiramdam, may masamang mangyayari ngayon.

Inikot ko ang paningin ko dahil may iba talaga akong nararamdaman ngayon.

Naghanap ako ng kahinahnalang tao at may nakita akong silhouette ng isang tao sa pinaka itaas ng Gdome, inilibot ko parin ang tingin ko at nakita ko ang host na nakangisi, excited siguro sa laban namin.

Nagready na kami, tinitigan lang namin ang nasa harap namin na 20 ka lalaki at mukhang wala silang balak na sumugod kaya inumpisahan na namin ang laban.

---

Third Person's POV

Mabilis na binunot ni Zendra ang dagger niya na nasa gilid ng shorts niya at agad agad itong binato dun sa lalaking kukuha na dapat ng kutsilyo.

Nasapul naman agad sa ulo yung lalaki at pumunta agad si Zendra sa tatlong lalaking papunta na sana sa magkabilaang direksyon pero tinakbo ni Zendra yung isa papunta sa isa atsaka isa kaya ayun para niyang hinarangan yung tatlong lalaki at kaya ayun nasa kanya na ang atensyon.

Bumunot ng kunai yung isang lalaki at sasaksakin dapat siya pero nahawakan niya ang kamay nito at mabilis na pinilipit kaya nabitawan niya yung kunai tsaka naman humirit ng sunod sunod na suntok si Zendra.

Habang sumusuntok si Zendra sa isa, yung isa naman papalapit sa kanya pero agad niya atong nasipa kahit na nakatalikod siya at natapon naman ang lalaki dahil sa lakas ng impact.

Susunod dapat yung isang lalaki na sugurin si Zendra pero hinarangan agad ni Sandra at sinuntok agad tsaka sinipasipa hanggang sa mahimatay.

Sa ibang side naman ng death center nandon si Drea at Phany or also known in gangster world as Merciless Kunai and Poisonous Knife nakikipaglaban ng pabiro.

May tatlong kalaban si Drea at iniisa isa niya lang ito pero yung mga moves niya hindi niya nilalakas dahil gusto niyang sapitin muna nila ang sakit, ganyan niya paglalaruan ang kalaban niya.

Si Phany naman hinihimas himas niya ang mga kutsilyong hawak niya at isa isa iyong itinatapon sa ulo o d i kayay sa dibdib ng kalaban niya, siya naman gusto niya mabilisan walang patumpik-tumpik at direct to the bones niyang mga galawan.

Habang busy naman ang Dark Devilish Angels sa pakikipaglaban, ang hindi nila alam, o di kayay alam na ni Death Dagger at nakikiramdam lang, may isang tao na naghihintay lang ng saktong timing para masignalan niya ang taong inutusan niyang gawin ang gusto niya.

Habang ang taong yun naman ay busy sa paga-assemble ng gagamitin niya.

Ang tao namang nagutos sakanya ay may mabigat na rason kung bakit niya ginawa ang bagay nato.

Zendra's POV

Habang nakikipaglaban ako, may nararamdaman akong presensya ng tao, pero alam kong nasa malayo siya at wala dito sa malapit at hindi rin siya isa sa mga kalaban namin ngayon.

Nakikipaglaban ako habang nag-iisip ngayon kung pano ko mahahanap ang presensya ng taong yun.

Sasapakin sana ako ng taong nasa likod ko pero agad akong nakaiwas at sinipa ko siya sa tiyan at hinampas ang ulo kaya deretso sahig ang bagsak.

Pinuntahan ko naman si Phany dahil may apat siyang kalaban, kinulbit ko yung isa at saktong pagharap eh sinuntok ko at kinuha ko ang dagger ko tsaka sinaksak sa braso at papa tsaka sinipa sipa.

Pagbagsak nung lalaki inilibot ko ang paningin ko at nakita kong anim nalang sa kalaban ang natitira at dalawa lawa sila ng kalaban.

Pinuntahan ko yung kay Sandra at Drea at kinalaban yung isa isa sa kanila at hiniwa ko lang isa isa yung mukha nila at binugbog naman nila ng binugbog.

Si Phany naman, tinorture niya yung kalaban niya at hiniwahiws at sinasaksak sa kahit anong parte ng katawan ang kalaban niya.

Papunta na sana ako kay Phany ng may naramdaman akong kakaiba, napatingin naman ako sa tatlo at siguro hindi lang ako ang nakaramdam nun dahil pati sila ay parang nagiba ang aura.

Inilibot ko agad ang paningin ko at may nakita akong tao na nasa exit ng GDome at nakangisi tsaka tumalikod at lumabas, susundan ko sana ng biglang...

"DEATH DAGGEEEERRRR!"

At huli na nang tumalikod ako...

Blackout.

---------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now