Part 42: Perfume

663 60 24
                                    

Lunch time na ng magising ako .

Teka wala si Patricia sa tabi ko.

Napahikab ako at dahan dahang umupo.

Sinandal ko ang aking likod sa dash board ng kama at mahinang nasapo ang ulo ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Edward na may hawak na basket ng prutas at isang kahon ng pizza .

" Hiii.. " nakangiting bati niya sa akin .

Ngumiti naman ako sa kanya.

Sunday nga pala ngayon ..

Every week end ay dito siya sa hospital natutulog at binabantayan ako .

Nilapag ni Edward ang basket ng prutas sa side table at tumabi ito sa akin .

" Let's eat May " sabi niya at tsaka nilantakan namin ang binili niyang pizza .

" May .. " aniyang napatingin ako .

" May dumi ka dito " turo niya sa isang bahagi ng labi ko .

Akmang tatanggalin ko ng pumigil siya at inilapat niya ang hinlalaki niya at mahinay niyang pinunasan.

" T-thank you " naiilang kong sabi sa kanya .

" Kamusta ka na May ? " pagtatanong niya .

" Okay lang naman . Medyo naboboring ako dito sa hospital " nakasimangot kong sagot sa kanya .

Tumayo siya at biglang lumabas sa kwarto, pagbalik niya ay may dala itong wheel chair .

" Tara ilalabas muna kita May para naman hindi ka mabagot " sabi niya.

Pagkatapos ay linapitan niya ako at hinawi ang comforter sa ibaba kong katawan. Tinulongan niya akong makabangon sa kama .

Napasinghap ako at amoy na amoy ko ang kanyang pabango.

" Mabango ba May ? " nakangising tanong niya .

Namula naman ako sa hiya .

" I like your perfume . " sagot ko .

" I've been using this brand since you gave one to me " nakangisi niyang sagot.

I dont remember giving him a perfume .

Ayy shungaaa.. May amnesia nga pala ako haha ..

" Binigay mo ito sa akin nung birthday ko . It was years ago May . Alam kong nagtampo ka dahil may kapareha ka ng gift na perfume kaya hindi mo ito binigay sa akin . But you dropped the perfume outside my door. " paliwanag niya.

Napatango ako ng dahan dahan . I stil can't remember kahit sabihin pa niya ito sa akin .

Hinapit niya ako at dahang dahan na pinaupo sa wheel chair .

Nakatingala ako sa kanya tapos nakayuko naman siya sa akin .

Napatitig ako sa kanya .

Napatingin ako sa kanyang labi .

Sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin .

Hallahhhh hahalikan ba niya ako ??

Wait lang baka mabaho hininga ko .

H-hindi ako prepared.

Bahala naaaa ....

Napapikit ako at naghihintay ng kanyang susunod na gagawin ...

Eto naaaa....

Bakit ang tagal?

Napadilat ako ng aking mga mata nang bigla niyang hinawi ang ilang hibla ng aking buhok at inipit sa likod ng tenga ko..

" Nakaharang kasi sa mukha mo May " mahinang sabi niya .

Ilang minuto akong natigilan.

Nakakahiya ....

Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kanya .

" T-tara na ? " pag-iwas ko .

Kaagad naman siyang sumunod sa akin . Lumabas kami at dinala ako ni Edward sa isang malawak na garden ng hospital .

Napahinga ako ng nalalim .

Hmmmm Fresh air ...

Nakakarelax.

Napangiti ako ng mapait nang sumagi muli sa aking isipan ang nangyareng aksidente.

Sabi sa akin ng doktor na may amnesia daw ako kaya wala akong maalala.

Simula noong araw na sinabi niya ito sa akin ay paulit ulit na itong bumabalik sa isip ko na siyang labis kong ikinalulungkot.

******

A/N

Haha May hahawiin lang yung buhok mo pero walang kiss :P

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now