Part 17: Cinderella

976 79 22
                                    

PARANG ibang tao ako ngayong gabi at hindi ako yung MaryDale na Nerd at hindi marunong mag-ayos ng kanyang sarili .

Pakiramdam ko tuloy ay ako si Cinderella na binihisan ng kanyang fairy God mother .

Pero katulad ni Cinderella , hahanapin din kaya ako ng aking prince charming ?

Nabalik ako sa reyalidad nang may nagsalita sa aking likuran.

" Is that you MaryDale? " sabi ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod.

Napahinga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya .

" Y-yes daddy ! " nakangiti na sabi ko.

Pareho sila ni mama ng naging reaksyon .

" Muntik na kitang hindi makilala ah ! " sabi niya na may ngiting nakapaskil sa mga labi niya.

Napatawa ako ng malakas sa kanyang pagbibiro .

Lumapit si papa sa akin at tinanggal niya ang suot ko na salamin sa mata.

" Lara hindi bat mas maganda si Marydale kapag wala siyang suot na salamin ? " tanong ni daddy bago tumingin kay mama.

Hindi ko man gaanu maaninag ang kanilang mga mukha ay ramdam ko naman na pareho silang may ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin.

Muling ibinalik ni daddy ang aking salamin sa aking mga mata.

"Teka lang umupo ka muna Marydale , may kukunin lang ako sa taas " biglang utos sa akin ni mama at dali-dali siyang pumanhik sa taas .

Umupo kami pareho ni daddy sa isang mahabang sofa .

Anong oras na kaya . . .

Tumingin ako sa aming wall clock .

" Lampas 8 na pala , sabi ni Edward sa akin before 8 niya ako susundoin . " bulong ko sa aking sarili.

" Maya maya siguro , baka na traffic lang siya . " sagot naman ng aking isip.

Nakita ko na pababa si mama sa aming hagdanan at may hawak siyang suklay at pantali ng buhok .

Tumayo siya sa aking likod at marahang sinuklay ang aking buhok at tinali niya ito pataas .

Matapos ay lumipat siya sa aking harapan . Tinitigan niya ang aking buhok at sinigurado niyang maayos ang kanyang pagkakatali.

 Tinitigan niya ang aking buhok at sinigurado niyang maayos ang kanyang pagkakatali

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Muli siyang bumalik sa likod ko at may sinabit siya sa leeg ko.

Kinapa ko ito at tiningnan .

Isang necklace na hugis pakpak ng angel ang pendant .

" Bagay sayo anak " nakangiti niyang sabi sa akin at muli niya akong hinaplos sa aking mukha.

Si mama talaga , ngayon lang naman to . Bukas babalik nanaman ako sa dating ako .

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now