Part 11: Walk out

1.1K 79 11
                                    

Maymay's POV

Tahimik lang si Edward habang kami ay nag-uusap ni Patrick .

Parang wala sa amin ang kanyang atensyon na parang may malalim itong iniisip.

May problema ba sila ni Jenny .

Nakita ko kasi sya kanina na seryoso ito habang nagtetext , tapos naabutan ko sila ni Patrick na seryosong nag-uusap sa loob ng kanyang kotse .

Sabi lang nya na tungkol iyon sa kanilang rehearsal mamayang gabi , kasi kung tungkol ito sa kanilang e re rehears , ay hindi sila nag-uusap ng sila-sila lang , dapat kasama nila si Marco at Marcus .

Wait.... Speaking of Marcus and Marco nasaan kaya sila ?

"Ahhhm...Edward nasaan nga pala si Marco at Khenly ?" tanong ko .

Sinadya ko talaga na kay Edward magtanong .

Baka kasi mapanis ang laway nya .

" Have you forgotten May , ngayon ang outing diba? "

Nakalimutan ko ngayon pala 'yun .

" Eh bakit hindi kayo sumama ni Patrick? " tanong ko sa kanya at ibinaling ang aking paningin kay Patrick.

Abala siya sa kanyang kinakain kaya si Edward ulit ang sumagot sa tanong ko.

" May project ako na kailangang taposin. " seryoso niyang sabi "

May project pala sila bakit hindi ko ito alam ?

Dati-dati pag may project sya , agad siyang nagpapatulong sa akin o di kaya'y sabay sabay nila tinatapos ito .

Nakita ko si Patrick na parang nagtataka din sa sagot ni Edward .

" May project pala tayo bruh ? " biglang tanong nya .

Tumayo si Edward sa kanyang kinauupoan at lumipat sa tabi ni Patrick.

" Yes there is ! .. Nakalimutan mo bruh ? "

Inakbayan siya ni Edward at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang balikat.

"Ahhh ... Oo ,m-meron nga pala !" sagot nya .

Alam ko naman na hindi nagsasabi ng totoo si Edward .

Kailan pa siya natutong magsinungaling sa akin.

Pakiramdam ko tuloy parang may itinatago sila sa akin.

Bigla akong nawalan ng ganang kumain. Hindi ko na ito tinapos.

Gusto ko nalang bumalik sa aming shop .

" Una na ako .. " biglang paalam ko . Tumayo ako at dali-daling lumabas .

Naramdaman kong tumayo din sila at sumunod sa akin.

"Maymay ! " rinig kong tawag sa akin ni Edward.

Hindi ko sya nilingon at sumakay ako sa isang pampasaherong jeep at naiwan sila na nakasunod ang tingin sa akin .

-----------

Edward's POV

Hindi ako nagdalawang isip na sundan si Maymay.

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن