Part 39: Accident

727 65 48
                                    


BGM: Bukas Makalawa

Edward's POV

Nasa unahan namin si Maymay at Patrick at mabilis ang takbo ng kotse .

Nakakaramdam na ako ng kaba kaya pinamadali ko nang pagmamaneho si Khenly.

" Bilisan mo bruh ! " pasigaw kong utos sa kanya .

May nakita akong sasakyan papunta sa direksyon niya kaya napasigaw ako .

" M-m-aymay !!!! "

Napahinto sa pagmamaneho si Khenly at sabay sabay kaming bumaba sa sasakyan .

******

Patrick's POV

Hindi ako bumitaw sa kanya hanggang sa may sasakyang sumalubong sa amin . Parang sinadya niya ito .

Kaya iniwas ko ang aking sasakyan sa kanya dahilan para bumangga kami sa isang poste.

Ilang segundo din akong nanatiling nakapikit at mahigpit ang hawak ko sa manebela .

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata nang maramdaman kong may dumadaloy na dugo mula sa aking noo .

Napatingin rin ako sa aking katabi mayroon din siyang sugat sa bandang gilid ng ulo niya .

" M-may .. " mahinang tawag ko sa kanyang pangalan .

" M-maymay .. " pilit ko siyang ginigising pero wala akong nakukuhang response .

Hanggang sa nawalan ako ng lakas at unti unting pumipikit ang aking mga mata .

May mga tao ding lumapit sa amin at tila nagsisigawan .

" Maymay .. " rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng aking sasakyan .

Hanggang sa unti unti akong nawalan ng malay .

*******

Edward's POV

Natakot ako para sa kaligtasan nilang dalawa lalo na kay Maymay . Paano kung huli na ? Paano kung ...

Hindi !!

Napailing ako sa aking iniisip.

Hindi pwede ..

Mabilis akong naglakad . Madaming tumatakbo sa aking isipan ngayon kaya hindi ako makapag isip ng mabuti dahil sa takot at kaba .

I feel so scared. .

Kaagad kung binuksan ang pintuan ng sasakyan . Lumapit ako sa kanya at agad agad na iniharap ang mukha niya sa akin . Nakita ko ang kanyang sugat sa kanyang ulo .

Nanghihina ako sa mga nakikita ko.

Paano kung hindi na siya magising.

" Maymay .. " paulit ulit kong sinabi at nanginginig ang aking boses dahil sa takot .

" Maymay gumising ka .. Pleasseeee " pagmamakaawa ko sa kanya kahit alam kung hindi niya ako mapagbibigyan nang mga oras na to.

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now