Part 22: Bad Morning

774 76 12
                                    

Edward's POV

Pagkagising ko ay nakaramdam agad ako ng sakit sa ulo . Nasapu ko ang noo ko at napasandal ako sa dashboard ng aking kama . Inabot ko ang alarm clock na nakapatong sa side table at tinignan kong anong oras na .

Shiit ! 9:00 am na pala !

Balak kong sunduin si Maymay sa kanila kaya dali dali akong tumayo at pumasok sa banyo at agad na naligo.
Pagkatapos ay agad din akong nagbihis.

Mabilis akong nag spray ng perfume sa katawan ko bago ko dinampot ang susi ng kotse sa tabi ng lampshade. Tsaka ko sinuot ang black cup ko .

Bumaba ako sa sala at nakita ko si nanay Maria sa dining area na abalang naghahanda ng almusal ko.

Tumingin siya sa akin at nagtaka ito nang hindi ako lumapit sa lamesa .

" Hindi ka na ba kakain iho? " tanong sa akin ni nanay.

" Hindi na nay . " sagot ko at nagtungo ako sa lalagyan ng mga sapatos at kinuha ko ang kulay itim na sapatos.

" Magkape ka muna iho . " alok sa akin ni nanay .

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at dali dali kong sinuot ang sapatos ko.

Matapos ay nagmadali akong sumakay sa aking kotse at agad na pinaandar ito .


--------------------------

Patrick's POV

Habang nagmamaneho ako ay naisipan kong i-text si Maymay .

Abala ako sa pag tetext habang palipat lipat ang aking tingin sa daan at sa cellphone .

Hi miss beautiful , kamusta tulog mo ? - Patrick

Pwede ba kitang sunduin dyan sa bahay niyo ? - Patrick

Hi din , okay sige po . - Maymay

Wala bang ibang susundo sayo ? - Patrick

Wala po - Maymay

Okay Good . Wait for me , I'm on my way na . - Patrick

******

Maymay's POV

Pababa ako sa hagdanan nang magtext si Patrick at sinabi niya na susunduin daw niya ako . Buti nalang sa Naic siya nakatira ,mga isang oras din ang layo niya sa amin kaya may time pa ako para kumain at maligo .

Binilisan kong kumain . Nang matapos ako ay agad din akong tumayo at umakyat sa taas para maligo .

Nagbihis ako ng red off shoulder sleeves at black upper knee mini skirt .

Mabilis kong sinuklay ang aking buhok . Naglagay din ako ng lip tint sa labi ko bago ko inayos ang aking salamin sa mga mata ko .

Nagspray din ako ng pabango sa aking katawan. Pagkatapos ay dinampot ko ang bag ko sa ibabaw ng kama bago ako lumubas sa kwarto . Nang muling magtext sa akin si Patrick at sinabi niya na nasa harap na daw siya ng bahay namin.

Edward's POV

Natatanaw ko na ang bahay nila Maymay ng may napansin akong isang pamilyar na sasakyan sa harap ng kanilang gate .

Kay Patrick !

Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan at halatang hinihintay niya si Maymay .

Huminto ako sa gilid ng daan . Napasandal ako sa upuan ng kotse ko at pinaglaruan ko ang susi nito , habang hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Napatigil ang mga mata ko kay Maymay nang lumabas siya sa gate .


Hindi ko maiwasang mapatingin sa suot niya . Nakalugay ang kanyang buhok at nakasuot ito ng pulang off shoulder sleeves at above the knee na mini skirt .

Bakit ? Para kanino ba siya nagpapaganda at may pa off shoulderl pa siyang nalalaman !

Mas nainis ako nang hinawakan ni Patrick ang kanyang braso at inalalayan si Maymay na makapasok sa loob ng kanyang sasakyan .


Napahinga nalang ako ng malalim at napayuko sabay buga ng hangin .

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon at parang sumisikip ang aking dibdib .


Muli ko silang sinulyapan at matalim kong sinundan ng tingin ang sasakyan ni Patrick habang papalayo ito .

* * * * * *

Patrick's POV

Ang ganda ni Maymay sa suot niya ngayon . Kaya parang naninibago ako sa kanya .

Isang beses ko pa siyang sinulyapan bago ko pinaandar ang kotse ko .

Napasandal si Maymay ng kanyang ulo at minasahe niya ito .

" May what's wrong ? Are you okey? M-masakit ba ulo mo ? " nag-aalalang tanong ko sa kanya .

Tumingin siya sa akin .

" Okay lang ako , Pat . " sabi niya at ngumiti siya sa akin para hindi ako mag-alala .

" Sigurado ka ? Walang masakit sayo ? . " hindi parin maalis ang pag-aalala ko sa kanya .

Tumango siya sa akin at isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa akin .

******

Edward's POV

Madaming naglalaro sa aking isipan at hindi ako makapag focus sa pagmamaneho . Tumigil ako sa tabi ng daan .

Dahil sa inis ay napasuntok ako sa aking manibela.

Naiinis ako dahil hindi ko mapigilang magalit kay Patrick . Ano bang meron sa kanilang dalawa at may pasundo sundo pa syang nalalaman ! Bakit nililigawan na ba niya si Maymay ?


Nakakabwisit !!!!

Huminga ako ng malalim para paluwagin ang nagngingitngit kong kalooban . Pilit kong pinapakalma ang aking sarili ng tumawag sa akin si Jenny .

Gusto daw niya akong makausap .

" O-okay Jenny ! . I have something to tell you too . Bye ! "

******

A/N :

Nagseselos ka lang Edward eh !

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now