Part 35: Resort

667 71 26
                                    

" May ... " nagising ako sa marahan niyang pagtapik sa aking pisngi . Idinilat ko ang mata ko at iginala ang aking paningin sa labas .

" parang malayo pa kami sa resort nila Patrick . "

Umayos ako ng upo at naiilang tumingin sa kanya .

" sorry ... " mahina kong sabi .

" Okay lang May .. Sorry din medyo napasandal ako sayo " sagot niya .

" Hindi ka lang napasandal sa akin .. Dumampi pa yung labi ko sa pisngi mo . "

" Panagutan mo yun ! "

" Hindi ka ba nangalay? "nag-aalalang tanong ko sa kanya habang nasa kanyang balikat ang aking tingin .

" Hindi naman " sagot niya .

Napababa ang aking tingin sa kanyang kamay . Napaawang ang labi ko sa aking nakita .

Halllaaaaa bakit may benda siya sa kamay ?

Tatanungin ko sana si Edward nang bigla akong nakatangap ng tawag .

Si Patrick...

" Hello " pag sagot ko .

" Hello babe .. I miss you , sorry ha kinailangan ko kasing mauna dito sa resort namin para makapag prepared sa pagdating niyo . Gusto ko kasi na maging maayos ang pag stay niyo dito sa resort " paliwanag niya .

" It's okay babe naiintindihan kita " sagot ko .

" Talaga ? Thank you babe . Ang swerte ko talaga sayo . "

Swerte din naman ako sayo .

" You're welcome ..sige malapit na kami ..see you " sagot ko .

" Sige .. Take care po . I love you " malambing niyang sabi .

" I love you too " naiilang kong sagot sabay baba ng telepono.

Habang pinapasok ko ang cellphone ko pabalik sa bag ko ay muli kong hinarap si Edward na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin kanina ni Patrick .

Wala man lang siyang reaksyon ..wala man lang akong nakitang pagseselos sa kanyang mga mata .

" N-napano yan ? " tanong ko .

Tumingin siya sa kanyang kamay na may benda .

" Ito ? " maikli niyang sagot .

Tumango ako sa kanya .

" Oo .. napano yan ? " pag-uulit ko .

" Nag-inuman kami sa bar kagabi " pagsisimula niya .

" Dahil sa kalasingan ay nasagi ko yung bote ng beer ..nahulog sa sahig at nabasag , natalsikan yung kamay ko kaya nasugatan ako . "

Tumingin siya sa labas ng bintana na parang may tinatago sa kanyang mga mata at ayaw niyang mabasa ko ito .

" Umalis pala kayo kagabi sa party ? " nagtataka kong tanong sa kanya .

Pakiramdam ko tuloy parang ang layo na namin sa isa't isa at parang ang dami ko nang hindi alam tungkol sa kanya .

Nagui-guilty tuloy ako .

Muli siyang tumingin sa akin .

" Paano mo mapapansin e busy ka sa boy friend mo . "

Natahimik ako sa kanyang sinabi .

Tinignan ko ulit ang kanyang kamay at bigla akong nalungkot.

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن