Part 19: Anger

849 89 18
                                    

Mabilis akong naglakad pabalik sa harap ng resto bar kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan .

" May , wait lang !  " pigil sa akin ni Edward .

Ngunit parang wala akong narinig sa kanyang mga sinabi at nagpatuloy parin ako sa paglalakad .

Papasok na sana ako sa kotse ni Edward nang may humatak sa aking braso .

" Hey you bitch ! Hindi pa ako tapos sayo ! "

Malakas ang kanyang boses dahilan para mapatingin ang mga tao sa aming paligid .

Napahinga ako ng malalim at hindi napigilan ang sarili kong sagutin siya .

Humarap ako sa kanya.

" Bitawan mo nga ako Jenny ! Ano bang problema mo sa akin ha ? "

Natatawa itong lumapit sa akin , na parang hinahamon ako .

" Tama na yan May , Jenny  ! " sigaw ni Edward at papalit palit siya niya kaming tinignan ng masama ni Jenny.

Ngunit hindi nagpatinag si Jenny kay Edward .

" Problema ? Problema ko 'yang kalandian mo , nagpapanggap ka lang na mahina para ipagtanggol ka ni Edward ! "

Nasaktan ako sa kanyang sinabi kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na lumapit sa kanya .

" A-anong sinabi mo ! " akmang sasampalin ko siya ng lumapit sa akin si Patrick at hinawakan ako sa aking braso at bahagyang inilayo kay Jenny.

Hinawakan din ni Edward si Jenny sa mga braso niya.

" Bitawan mo nga ako ! " inis na sabi ko kay Patrick at pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa aking braso pero mas mahigpit ang hawak niya sa akin kaya hindi ko magawang tanggalin ang braso ko sa kanya .

Nang makawala si Jenny kay Edward ay agad naman itong lumapit sa akin pero mabilis siyang nahawakan ni Marco .

" Sabing tama na ! " awat sa amin ni Edward .

Galit na din siya sa amin .

" Pagsabihan mo yang Girlfriend mo Edward , sawang sawa na akong intindihin siya ! " halos pasigaw kong sabi sa kanya .

" Sawa ka na pala bakit hindi ka pa lumayo kay Edward  , dahil ba may gusto ka sa best friend mo ? . " diniinan niya ang huling sinabi niya . Dahilan para mapatingin si Edward sa akin .

Hindi talaga siya titigil sa mga sinasabi niya . Hindi ko na napigilan ang sarili ko , malakas kong hinatak ang aking braso kay Patrick dahilan para mabitawan niya ako .

Lumapit ako kay Jenny at nasampal ko siya ng dalawang beses. Magkabilaan . Matapos ay sinamaan ko siya ng tingin.

Napahawak siya sa pisngi niyang dinapuan ng palad ko at matalim siyang tumingin sa akin .

" Kulang pa yan sa lahat ng mga panghihiyang ginawa mo sa akin . " galit kong sabi sa kanya at matalim kaming nagkatitigan ni Jenny.

" How dare you ! . " akmang gaganti siya sa akin ng sampal pero nahawakan ko ito sa kanyang braso .

" Ito na ang huling panghihiyang ginawa mo sa akin Jenny ! " sabi ko at parang pinapatatag ako ng galit ko ngayon.

" Subokan mo lang ulit at hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin ! " sabi ko at marahas kong binitawan ang kanyang braso .

Susugurin sana niya ako ng mapigilan siya ni Edward .

" Bitawan mo nga ako Edward ! " nagpupumiglas ito sa kanyang galit . "

Napahinga ako ng malalim at tumalikod ako sa kanila .

Kinuha ko ang aking bag sa loob ng kotse ni Edward at iniwan ko si Jenny na nagngingitngit sa galit .

" Ahhhhhrrgggg i hate you ! , i really really hate you . " rinig kong sigaw ni Jenny .

Hindi ko na sila nilingon pa .

Hinayaan nalang ako ni Edward na makalayo sa kanila .

Tinawag ako ni Patrick , dahilan para mapalingon ako sa gawi niya .

Sumunod pala siya sa akin .

Inalok niya ako na ihatid ako sa amin at pumayag ako sa alok niya.

--------------------------------

A/N :
So ayan na guys , hindi na nagpaapi si Maymay kay Jenny .😜😜😜

Sorry kung nasasaktan kau para sa kanya .. Haha 😢

Bumawi na ako , kaya very very short chapter lang ito .😛

Thank you parin po .😘

No hate comment po sana . ( kwento lang po yan )
Wala po kasing thrill ang isang story kung puro kilig lang at walang nang aapi o kontrabida .😅😅

Enjoy lang sa pagbabasa , hindi natatapos ang isang kwento sa isang chapter lang . ( kaya nga po may kabanata ) 😂😂

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now