Part 40: Successful Operation

626 71 31
                                    

Rinig ko mula kay Marcus na gising na daw si Patrick at nagwawala ito sa kanyang kwarto kaya kaagad ko siyang pinuntahan .

" K-kasalanan ko to ! " rinig kong sabi ni Patrick .

Bigla akong nag init.

Nagulat sila nang pabagsak na bumukas ang pinto .

" Oo kasalan mo tong lahat ! " pasigaw kong sabi sa kanya .

Napakuyom ako ng aking kamao at akmang lalapitan siya nang pigilan ako ni Marco .

" Bruh huwag muna ngayon ! " awat sa akin ni Marco .

" Kung hindi dahil dyan sa pagiging seloso at kaselfishan mo hindi sana kayo maaaksidente at hindi nanganganib ang buhay ni Maymay ngayon ! " tumulo ang ilang butil ng luha ko dahil sa galit .

Hindi siya nakasagot sa aking sinabi .

" Sana ako nalang ang... " putol niyang nasabi.

" Oo ! Sana ikaw nalang .. Kasi wala kang kwentang tao ! Wala kang kwentang kaibigan ! " galit kong sabi sa kanya.

" Ano ba kayo ! Nagkakaganyan lang kayo dahil sa iisang babae ? Magkakaibigan tayo dito ! " sabi ni Marcus .

" Wala akong kaibigan na traydor ! " diniinan kong sabi .

" Huwag kang ganyan Edward ! Hindi naman ganyan ang tratohan natin dati ah ! " sabat naman ni Marco .

Masama akong tumingin sa kanila .

" Hindi niyo ako naiintindihan kasi wala kayong alam ! " galit kong sagot sa kanya .

" Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo Patrick ? " baling ko sa kanya .

Hindi siya makasagot sa akin dahil sa hiya .

" Hindi ba't alam mo ang totoong nararamdaman ko para kay Maymay ? Sinabi ko sayo lahat lahat diba ? " muli kong tanong sa kanya .

Pero nanatili siyang tahimik .

" Sayo ako nagtiwala Patrick ! Kaso anong ginawa mo ? Ipinahamak mo yung babaeng pinakamamahal ko . " halos pasigaw kong sabi sa kanya .

" I-m s-sorry ..hindi ko naman ginusto to eh . nadala lang ako ng aking nararamdaman . Hindi ko gustong ipahamak siya . Mahal ko siya . " sagot niya .

Tumingin ako ng masama sa kanya .

" Mahal .. anong klaseng pagmamahal yan Patrick ? nakangisi kong tanong sa kanya .

Hindi siya nakasagot sa aking sinabi .

" I swear to God kapag may masamang nangyare kay Maymay , hinding hindi kita mapapatawad ! " gigil na gigil kong sabi . Lumabas ako ng kanyang silid at pabagsak na sinara ang pinto .

******

" Nasaan ang anak namin ? " rinig kong sabi ni Tita Lara sa may nurse station kasama niya si Tito Ricky .

Lumapit ako sa kanila.

" T-tita Lara .. " mahina kong tawag sa kanya.

" A-asan si MaryDale? " mangiyak ngiyak niyang sabi.

" Nasa Emergency room pa siya Tita .. Malubha ang kalagayan ni Maymay. Kailangan daw siyang maoperahan d-dahil ... " hindi ko kayang ituloy ang aking sasabihin dahil nasasaktan ako.

" Dahil ano ? " nag-aalalang tanong ni Tito na halatang naiiyak na din siya .

" Dahil baka ito daw ang maging dahilan ng pagkamatay niya Tito " sagot ko habang pinipigilan ang aking pag-iyak.

Ayokong ipakita sa kanila ang aking kalungkutan.

" I'm sorry Tita .. " sabi ko .

Tita Lara is crying so much
at napayakap siya ng mahigpit kay Tito Ricky .

******

Alas otso na ng umaga pero nasa ER padin siya . Hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang kanyang operation .

Maya maya biglang lumabas ang doctor.

Kaagad kaming tumayo at linapitan siya .

" Doc k-kamusta ang anak namin ? " tanong ni Tita Lara .

Lahat kami ay nag-aabang ng kanyang sasabihin .

Hinawakan siya sa kanyang balikat.

" Malakas ang anak niyo . Lumaban siya kaya naging successful ang kanyang naging operation . Sa ngayon po ay hintayin nalang natin na magising ang pasyente . " masaya niyang balita sa amin.

Hinawakan ni Tita ang kanyang kamay .

" Maraming salamat Doc. " sabi niya habang umiiyak .

" You're welcome Ma'am " nakangiti niyang sabi.

" Puntahan niyo nalang yung pasyente kapag nailipat na siya sa kanyang kwarto. "muling saad ng doctor .

" Tita bibili lang ako ng pagkain natin " biglang paalam ni Patricia .

Tango lang ang tanging naisagot ni Tita sa kanya.

******

Hindi pa ako umuuwi ng bahay. hinihintay ko na magising si Maymay , nakaupo ako malapit sa kama niya tapos sila Patricia , Marco at Marcus , naka-upo sa Sofa . Si Tita Lara at Tito Ricky ay umuwi sila sa kanilang bahay para kunin ang mga damit ni Maymay .

Ang tagal na naming naghihintay dito pero wala parin. Hindi parin siya magising .

Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at marahang hinahaplos sa kanyang pisngi.

" May .. Miss ka na namin. Kailan ka ba magigising? Ang daming nag-aalala sayo eh " bulong ko sa kanya.

Mga ilang sandali lang , biglang naramdaman ko yung kamay niyang gumalaw.

" P-patricia .. " tawag ko sa kanya .

" Bakit? " sigaw na tanong ni Patricia . Napatayo siya at lumapit sa akin .

" Gumalaw y-yung kamay ni Maymay
" napatingin siya sa kamay ni Maymay at pareho naming hinihintay kung gagalaw pa siya ulit.

" M-mama .. " bulong ni Maymay . Halatang nanghihina pa siya .

" Maymay .. " masiglang sabi ni Patricia .

Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata at iginala ang kanyang paningin sa paligid.

Nagguguluhan siyang tumingin sa amin .

" S-sino ka ? " nagulat kaming lahat sa kanyang sinabi.

Bakit ganito ang kanyang naging reaksyon?

H-hindi kaya may amnesia siya ?

A/N

Wutttt !!
😮😮😮😮
🙊🙊🙊

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now