Part 16: Mini Skirt

907 85 21
                                    


Naku. . .! Mukhang napahaba yata ang tulog ko . Agad akong bumangon at umupo sa aking kama .

Sinuot ko ang aking salamin at napatingin sa aking relo. Before 8 daw ako susundoin ni Edward and it's already 6 in the evening , may dalawang oras pa ako para maghanda.

Bigla akong na excite pero at the same time, kinakabahan din ako . Hindi kasi ako sanay sa maraming tao .

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at kinuha ko ang towel ko at agad akong naligo .

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis muna ako ng pang bahay .

Sa totoo lang hindi ko pa alam kung ano ang susuotin ko para mamaya .

Bahala na !

Magpapatulong nalang siguro ako kay mama .

Kinuha ko ang aking suklay at umupo sa harap ng salamin .

Napatitig ako sa aking mukha at napatingin sa aking labi. Nakita ko ang lipstick sa ibabaw ng mesa, kinuha ko at binuksan ko ito . Matapos ay pinahid ko ito sa aking labi at muli akong tumingin sa salamin .

Matagal kong tinitigan ang labi ko na pulang pula.

Nang....

Ay ang pangit !

Mabilis kong pinunasan ito at tinanggal ang nilagay ko na lipstick sa labi ko.

Matapos ay nagpasya na akong lumabas ng aking silid .

Bumaba ako at tinungo ko ang aming sala.

Ngunit may pumukaw sa aking pansin , isang malakas na halakhak na nagmumula sa aming kusina .

Naglakad ako at tinungo ko ito .

Bumungad sa akin si mama na abala sa paghihiwa ng sibuyas at may kausap sa kanyang cellphone , nakapatong ito sa aming lamesa at nakaharap ito sa kanya .

Napasilip ako at tiningnan kung sino ang kanyang kausap .

Si tita Mercy pala , pinsan ni mama na nasa Canada ngayon.

Si Maymay ba yon Lara ? " tanong ni tita kay mama.

Nag v-video call kasi sila ngayon ni mama .

"Oo , halika May magpakita ka kay tita Mercy mo . " tawag sa akin ni mama.

Lumapit ako at tumayo sa tabi niya .

" Hi tita . . . " masayang bati ko bago kumaway.

Ngumiti sa akin si tita ,at kumaway din siya sa akin .

" Kamusta ang pag aaral mo Maymay ? " tanong niya .

" Ok lang naman po tita . " nakangiti na sagot ko sa kanya .

" Malapit kana mag graduate , galingan mo ha , para kapag nakapagtapos kana sa pag aaral mo ay kukunin na kita dito sa canada . " sabi niya.

Ngumiti lang ako kay tita . Hindi pa kasi ako nakakapag disisyon tungkol sa bagay na iyan .

" Mamaya kana ulit tumawag Mercy , magluluto muna ako . " biglang singit ni mama sa amin.

Tumango si tita kay mama bilang pagtugon.

" Sige magsusundo na din ako ng alaga ko . bye bye " paalam niya bago pinatay ang tawag.

Kinuha ni mama ang kanyang cellphone at nilagay sa bulsa ng kanyang apron .

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon