Part 36: Sandwich

623 64 33
                                    

Maymay's POV

" Hi guys ..welcome sa Resort namin " nakangiti niyang salubong sa amin .

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi .

" Hi babe ..hindi kaba napagod? " nag-aalalang tanong niya sa akin .

" Hindi babe " sagot ko .

" Tara na sa loob para mailapag niyo narin ang mga gamit niyo " baling niya sa iba at binitbit ang natitirang bag . Kaagad kaming sumunod sa kanya .

Palinga linga kami habang naglalakad . Ang ganda kasi ng paligid .

Sa hagdan palang tanaw ko na ang malinaw at malinis na tubig .

I inhaled the scent of salt .

Nafe feel ko na ang dagat .

Tinanaw ko ang paligid at nakita ko ang swimming pool sa baba .

Ang ganda .. Kulang nalang swimsuits.

May hagdanan din sa gilid upang makababa sa kung nasaan ang dagat .

Parang gusto ko nang yumapak sa mga buhangin at magtampisaw sa tubig dagat .

For sure mag e-enjoy ang lahat mamayang gabi sa aming Night swimmmmming....

May nakikita din akong mga bangka sa gilid .

Gusto ko nang i-try yan .

Naputol ang aking kasiyahan ng may naamoy ako .

The smell of saucy meat being grilled .

Bigla akong nagutom.

Magkakasama sila Khenly , Marco , Edward at Danver sa iisang Room .

Speaking of Danver ..pinsan siya ni Patrick.

Pagpasok ko sa room namin ay kaagad kong binaba ang aking mga gamit .

Pabagsak akong humiga at nakangiti kong dinama ang bawat sulok ng kama .

" Halla , kama palang masaya kana ? " tanong ni Patricia sa akin . Umupo din siya sa gilid ng kama at tinabihan ako .

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako ng tuwid at hinarap siya .

" Parang hindi mo ako kilala Patring.. Alam mo naman na mababaw lang ang kaligayahan ko " nakangisi kong sagot sa kanya .

" Oo ..ang babaw nga , regalohan ka nga lang ng greeting card with matching long sweet message masaya kana " natatawang sagot niya .

" Ang gamit kasi pwedeng mawala yan pero yung card mawala man atleast nabasa mo na ito , kaya bago pa ito mawala ...tumatak na siya sa puso at isip mo " paliwanag ko .

" Awww na-na tats ako bebe .. " may nalalaman pang papunas punas sa kanyang mga mata .

Makakaisa nanaman ng batok to sa akin eh .

" Hmmmmpp " akmang babatukan ko siya ng iniyuko niya ang kanyang ulo.

" Haha akala mo makakaisa ka ulit sa akin .. "

Inirapan ko siya . Tumayo ako at kinuha ang aking bag na nasa sahig at muling umupo sa gilid ng kama .

Isa isa kong nilabas ang aking mga dalang damit .

Dahil may kalamigan dito ay magsusuot ako ng long sleeves at maikling shorts para bumagay sa suot kong pang itaas.

" Labas .. Chuuu chuuu. " pagtaboy ko kay Patricia . Inirapan muna niya ako bago siya tumalikod sa akin at lumabas sa silid .

Pagkalabas niya ay kaagad akong nagbihis . Hinanap ko ang aking slippers . Nakita ko ito sa ilalim ng kama . Dumapa ako at kinuha ko ito .

Walanghiya ka Patricia !!! Ang lalim ha , itatago ko din panty mo mamaya !

Nang makuha ko ito ay kaagad ko itong sinuot sa aking mga paa .

Pagkalabas ko ay nakita ko sila sa baba at masayang nagkwekwentuhan.

Panay ang ngiti ni Patricia sa kasama naming si Danver .

Halatang nagpapacute siya sa binata.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Patrick.

Kumakain sila ngayon ng sandwich.

" Babe oh .. " tawag sa akin ni Patrick at akmang isusubo ang kanyang sandwich sa akin .

Kakagat sana ako ng bigla niya itong iniwas at muntikan ko na siyang mahalikan.

Napatakip ako ng aking bibig at natatawang hinampas sa kanyang balikat .

" Ang daming langgam .. " biglang sigaw ni Khenly .

" Kanina pa ...sa may sasakyan . " sabi naman ni Marco .

Bigla akong pinagpawisan . Napatingin ako kay Edward pero wala sa amin ang kanyang atensyon .

Nasa malayo ...nasa Dagat .

"Anong ibig mong sabihin ? " biglang tanong ni Patrick kay Marco .

" Si Patricia at Danver kasi ang sweet nila ..kanina pa sila . " pang-asar ni Marco kaya nagkantyawan sila .

" Duhhh !! " masungit na sabi ni Danver , tumayo ito tyaka umakyat sa taas .

" Busted hahaha ! " malakas ang kanilang tawanan habang inaasar si Patricia .

" Gutom na ako ..tara na sa taas para makakain na ? putol ko sa kanila .

Sabay sabay kaming tumayo maliban kay Edward . Naiwan siyang nakaupo at malayo parin ang kanyang tingin .

" Edward .. " tawag ko sa kanya .

Nilingon niya ako .

" Why ? " malamig niyang tanong sa akin .

"Hindi ka ba nagugutom ? " tanong ko .

" May halika na " tawag naman sa akin ni Patrick .

Napalingon ako .

" Teka lang... " senenyasan ko siya at muling tumingin kay Edward .

" S-susunod ako May . "

Tumango ako sa kanya

" S-sige . "

Pagkatapos lumapit ako kay Patrick , inakbayan niya ako at sabay kaming umakyat sa taas .

******

A/N

New love team ?
Patricia and Danver . 😍😍
Pero teka lang .. May isang patay malisya dyan eh ... Kunwari walang nakikita pero deep inside durog na durog na siya . 😜😜

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon