Part 21: Confusion

892 81 19
                                    

Edward's POV

Nang maihatid ko si Jenny sa kanilang bahay ay agad din akong umuwi sa amin . Hindi na ako nagtagal sa kanila dahil ayoko siyang kausapin ng lasing .

Lalo na't may sinabi si Marco sa akin. Inamin niya ang nakita niya kanina sa loob ng resto bar . Si Jenny daw ang dahilan kung bakit nadapa si Maymay kaya siya napahiya sa lahat ng tao kanina sa restaurant .

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan niya para gawin niya iyon kay Maymay. Hindi ko siya nagawang ipagtanggol kay Jenny dahil ayokong mas lumala pa ang sitwasyon.

Kung pwede nga lang patulan si Jenny kanina ay ginawa ko na . Pero naisip ko babae parin siya . Kaya bukas kakausapin ko si Jenny ng maayos at tatapusin ko na ang aming relasyon.


-------------------------------------------

Pagkapark ko ng sasakyan ko sa garahe ng bahay ay agad akong pumasok sa loob. Dahan dahan akong pumanhik sa taas . Pinihit ko ang seradura ng pinto at pumasok ako sa loob ng aking kwarto .


Binuksan ko ang ilaw at nilagay ko sa ibabaw ng side table ang susi ng sasakyan ko . Matapos ay tumungo ako sa banyo . Nagshower muna ako bago ako mahiga sa kama ko ay tinuyo ko muna ang basang buhok ko .

Matapos ay pinatay ko ang ilaw at binuksan ko ang lampshade na nasa tabi ko .

Sumandal ako sa headboard ng kama ko nang biglang sumagi si
Maymay sa isip ko.

Nakauwi na kaya siya biglang tanong ko sa sarili ko.

Ano kaya ang ginagawa nila ni Patrick kanina habang hinahatid niya ito sa kanilang bahay .

Ano kaya pinag-usapan nila ?

Galit din kaya siya sa akin ?

Madaming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan ngayon na tanging si Maymay lang ang makakasagot .





-------------------------------------------

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ito .

May hinanap ako dito na agad ko namang nakita . Pinindot ko ang kanyang digits at i-dial ito.


Tinapat ko ang cellphone ko sa tenga ko . Nag ri ring lang ang telepono pero walang sumasagot.


Tulog na kaya si Maymay ?

Wait , uulit pa ako !

Muli ko itong dinial pero katulad kanina hindi parin niya ito inaangat. Kaya i-tetext ko nalang siya .


I'm sorry about what happened earlier, if I only knew that she would do it to you, maybe I could stop her.

Answer my call please . I really want to talk to you right now .

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon