Part 5: Maymay's in Trouble

1.4K 88 23
                                    

Maymay's POV:

Anong oras na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok ko.

Iniisip ko kasi si Edward , nagka girlfriend lang hindi na maalalang tawagan o i-text ako .

Subokan ko kaya siyang tawagan ?

Hinanap ko ang kanyang digits sa cellphone ko at i-dial ito.

Ring lang ng ring pero walang sumasagot ..

Busy siguro , baka hindi pa tapos ang kanilang rehearsal .

Tinanggal ko ang eyeglasses ko at nagpasyang matulog nalang .

-------------


Pagkagising ko ay inabot ko agad ang cellphone ko sa ibabaw ng side table .

Tinignan ko agad kung may text ako .

Napasimangot ako .

Wala siyang text.

Dati-dati may Good morning, ngayon wala na .

Pero may pumukaw sa aking pansin .

May isang text na hindi nabuksan .

Binasa ko ito.

Hi , Good morning . Patrick here , kindly save my number , my sunshine .

Napatakip ako ng unan sa mukha ko , napapatili pa ako at pumapadyak pa ang paa ko , parang mahihimatay ako sa kilig !

Sana sya nalang ! sigaw ng isip ko .

Kinalma ko ang aking sarili .

Pagka save ko sa number nya ay nilagay ko ulit ang cellphone ko sa side table .

Bumangon nadin ako , nag-inat saka sinuklay ng daliri ko ang magulong buhok ko , saka sinuot ang aking salamin sa mata ko .

Tumayo na ako at kaagad kong kinuha ang nakasabit kong towel sa tabi ng kabinet .

Pumasok ako sa banyo at agad na naligo .

Balak ko kasing pumasok sa school ng maaga .
Para hindi ma traffic .

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis nadin ako .

Isang simple puting damit at pantalong maong ang aking sinuot .

Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay bumaba ako sa sala para kumain ng almusal ko.

Pagkababa ko ay agad akong tumungo sa kusina , naabutan ko si Daddy at Mommy sa harap ng lamesa , habang kumakain .

Fried rice , hot dog at scrambled egg ang nasa hapag kainan namin .

Lumapit ako sa kanila at binati ko sila .

" Good morning Dad , Ma " bati ko kela Daddy at mama sabay halik sa kanilang pisngi .

" Good morning " seryosong sabi ni Daddy ,habang si Mama ay tipid na ngiti lang ang ginanti nya sa akin .

Umupo ako sa harap ni Mama , si Daddy naman ang nasa gilid ko .

Naglalagay na ako ng fried rice sa aking plato nang magsalita si Daddy sa tabi ko .

" How many times will I tell you to remove your eyeglasses Maymay ? " seryosong tanong niya .

Alam ko na ito nanaman ang sasabihin sa akin ni Daddy .

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now