Part 33: The Past

735 71 28
                                    


Maymay's POV

Nakasandal ako sa aking upuan habang nakatingin sa labas ng bintana at dinadama ang hangin na humahaplos sa aking balat .

I close my eyes then a memories of the past suddenly showed up .

Flash back

Habang naghihintay ako ng aking masasakyan pauwi ay parang may matang nakatingin sa gawi ko .
Napayuko ako at parang takot ako na magmasid kaya nakiramdam nalang ako sa aking paligid . Gabi na that time at parang wala na akong masasakyan ng mga oras na yun . Magkakilala na rin kami ni Edward noon pero sa kasamaang palad ay nauna silang umuwi sa akin at may praktis pa ang banda nila para sa kanilang gigs . Sinubukan kong maglakad papalayo sa aking kinatatayuan pero parang may sumusunod talaga sa akin . Nilingon ko ito pero wala akong nakita kaya nagpatuloy ako sa aking paglalakad at muling nakiramdam . Dahil sa takot na aking nararamdaman ay napabilis ang aking paglalakad .Tanging ang sulok lang ng aking mga mata ang nagmamasid . Hindi ako tumigil sa aking paglalakad at panay ang aking dasal na sana may sasakyang dumaan . Hanggang sa may narinig akong yapak ng isang tao mula sa aking likuran . Nilingon ko ito , nakasuot siya ng itim na Hood Jacket at may hawak hawak na matalim na bagay . Kung gaanu ako kabilis maglakad kanina ay mas dinoblehan ko pa ito , makalayo lang ako sa taong sumusunod sa akin . Napatakbo ako ng mabilis . Habang tumatakbo ay paminsan minsan nililingon ko ito nang bigla nalang siyang nawala sa aking paningin . Naisip ko na baka umikot siya ng dinaan , baka balak niya akong salubongin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na yun , kung babalik ba ako o magpapatuloy nalang sa aking paglalakad . Dahil sa pag-iisip nang hindi ko man lang tinitignan ang aking dinadaanan ay may nabangga ako . Napalunok ako , bumilis ang tibok ng aking puso . Parang mahihimatay ako sa takot ng mga oras na yun nang hinawakan niya ang aking braso . Napasigaw ako . Nakakabingi ang aking sigaw .

" May.... It's me Edward . " sabi niya .

Pamilyar ang kanyang boses .

Napatingin ako sa kanya para masigurong tama ang rinig ko .

Umiiyak akong niyakap siya .

" Bakit anong nangyare sayo ? " nagtataka niyang tanong sa akin .

Sinabi ko sa kanya lahat .

Hinawakan niya ang aking mukha at inayos ang ilang hibla ng aking buhok .

" Shhhh Don't cry na May , nandito na ako . " pagpapatahan niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit .

Buti nalang at naisipan niya akong balikan noon . Pakiramdam ko siya si superman ko , kahit hindi ko siya tawagin palagi siyang nandyan para sa akin .

Kaya simula noon ay nagbago na ang lahat . Pati ang aking nararamdaman para sa kanya .

******

Edward's POV

Nasa bahay na ako at nakahiga ngayon sa aking kama . Lasing ako pero hindi man lang ako dalawin ng aking antok. Siguro dahil sa sugat ... Sugat sa aking puso . Paano nga ba nagsimula ang lahat ? Kailan ko siya minahal .

Pinikit ko ang aking mga mata at muling inalala ang lahat .

* Flash back *

Nagsimula ito noong gabing muntikan na siyang mapahamak. Natakot ako sa kanyang sinabi. Doon ko narealized lahat na hindi ko na kaya kapag mawala siya sa akin . Paano ... Paano kung hindi ako bumalik nung mga oras na yun . paano kung nawala siya sa akin . Baka hindi ko kakayanin ito. Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman at paano kung masira ang pagkakaibigan namin ? Dahil sa mga what if's na yan ay naduwag at natakot ako na umamin sa kanya kaya palihim ko nalang siyang minahal at sinubokang ibaling ito sa ibang babae pero siya parin talaga .

Paano kaya kung inamin ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya . Masaya kaya kami ngayon ? .

A/N

Parang pamamangka lang yan sa daan na hindi naman umuusad . At paano uusad kung maling sasakyan ang ginamit mo ? .. Kagaya ng nararamdaman mo , alam mo naman kung sino ang totoong mahal mo bakit sa iba mo pa ito sinubokan . ?

Ps : Noon palang mahal na niya si Maymay .


N UD: Outing

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now