Part 32: His Drunk

724 83 34
                                    

Tinawag ni Marco ang waiter para hingin ang kanilang bill . Dumukot siya ng pera sa kanyang wallet at binayaran ang lahat ng kanilang nainom na alak.

Kinakalabit naman ni Marcus ang balikat ni Edward , nakatulog ito dahil sa kalasingan.

Gumalaw ito at hirap niyang imulat ang kanyang mga mata . Inangat niya ang kanyang tingin kay Marcus .

" Heyy vvbruh.. in-ihinum pa tayo " Kinuha niya ang isang bote ng alak at ininum ang natitirang laman nito .

Inagaw naman sa kanya ni Marcus ang bote dahilan para mainis ang binata sa kanila .

" Tama na bruh .. Hindi mo na kaya ! " saway niya .

Natawa siya .

" K-kaya kho pfha ! . Tignan niyo kaya ko pang tumayo ... Sinubokan niya pero hindi niya nagawa at muli itong bumagsak sa kanyang upuan .

They saw how miserable he is , trying to stand up .

Napailing nalang sila at nilapitan siya para tulongang makatayo.

" Ang bigat niya bruh ! " reklamo ni Marco .

Nahihirapan silang alalayan ito papalabas ng bar . Nakahinga lang sila ng maluwag ng makalapit sila sa kanyang sasakyan .

Dinukot ni Marco ang susi sa bulsa ni Edward at ipinasok sa key hole ang susi .

Binuksan niya ang kanyang pintuan at pinaupo siya sa tabi ng driver seat .

Nagulat sila ng maihampas niya ang kanyang ulo sa harap .

Imbes na tulongan siyang maiangat ang kanyang ulo ay nagawa pa nilang pagtawanan si Edward .

Nang makabawi sila ng tawa ay inangat ni Marco ang kanyang ulo at isinandal ito sa kanyang upuan . Pagkatapos ay isinabit ang kanyang seatbelt .

Nakanganga ito at halos hirap na niyang imulat ang kanyang mga mata .

Naupo muna sila sa harap ng sasakyan ni Edward at hindi pa sila pumasok sa loob . Problema kasi ni Marco at Khenly Marcus kung iiwan ba nila ang kanilang kotse at babalikan nalang nila mamaya .

Habang nag-uusap si Marco at Khenly Marcus ay nagulat sila ng may narinig silang ingay mula sa loob ng kanyang sasakyan .

Parang may nabasag na salamin .

Agad nilang nilapitan ang kanilang kaibigan . May nabasag nga .. Ang rare view mirror ng kanyang sasakyan .

And they saw a blood flowing in his fist .

" shiiitt !!! " pinunit ni Marco ang babaan ng kanyang damit at itinali ito sa kanyang sugat na medyo nagdurugo .

Nagmadali silang sumakay sa kanyang kotse at kaagad na pinaandar ito . Nawala sa kanilang isip ang pag-aalala sa naiwan nilang sasakyan .

Dinala nila si Edward sa hospital para ipatingin ang kanyang sugat .

Panigurado tatahiin nila ito .

Nang makarating sila sa tapat ng hospital ay tinulongan nila si Edward na makababa sa kanyang kotse .

" Mahal ko siya bruh.. " Mahina niyang sambit .

Sandali silang napahinto at tinitigan ang kanilang kaibigan .

They saw the pain and a drop of tears on the edge of his eyes.

******

A/N

Ang shakitt naman .. Pero mas masakit yung masugatan ka sa kamao
😅😅✌✌

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now