Part 20: I like You

872 81 27
                                    

Patrick's POV

Tahimik lang si Maymay na nakatingin sa labas ng bintana .

Napasandal ito sa upuan ng kotse at napapikit ng kanyang mga mata .

Tahimik kong pinagmasdan ang kanyang maamong mukha at nakita kong may bahid parin ito ng kalungkutan at ramdam ko ang bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib .

Kung may magagawa lang sana ako para pagaanin ito .

Nang may tumulong luha mula sa gilid ng kanyang mata . Bahagya akong lumapit kay Maymay at marahan kong pinunasan ang luha sa gilid ng pisngi niya .

Mula sa pagkakapikit ay napadilat siya at mabilis akong tinignan . Hininto ko ang aking sasakyan sa isang tabi at muling hinarap si Maymay .

Napatingin ako sa kamay niya at hindi ako nagdalawang isip na hawakan ito .

Alam ko na masyadong mabilis ang lahat pero sigurado na ako sa nararamdaman ko para kay Maymay.

Kahit alam ko na hindi ako ang magpapasaya sa kanya .

Wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba ?

Napangiti ako sa kanya bago ako nagsimula sa aking sasabihin .

Hinawakan ko muna ang kanyang maamong mukha at hinaplos ko ito ng marahan.

Alam ko na nakakaramdam na din si Maymay sa akin.

" Maymay ..." tanging pangalan lang niya ang nasambit ko. Hindi ko kasi alam kong ito ba ang tamang panahon para sabihin ko ito .

Tumingin siya sa akin na naguguluhan.

" Yes ? " mahina niyang sabi . Hindi inalis ni Maymay ang paningin niya sa akin . Parang binabasa niya ang bawat galaw ko .

" I think i. . . . " napatigil ako sa aking sasabihin . Parang wala akong lakas ng loob para aminin ito sa kanya  , naduduwag ako .

Napayuko ako at napapikit ng aking mga mata .

" I-i like you.  " mahina man ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya ako .

" H-ha ! . ano bang nakain mo at bakit mo sinasabi sa akin yan Patrick ? " tarantang tanong niya sa akin.

Napaangat ako sa kanya .

Hindi ba siya naniniwala sa akin .

Mukha ba akong nagbibiro.

" Seryoso nga May , gusto kita .  I like you very much. No i think I love you . " namumulang pag-amin ko sa kanya.

Napaatras siya at binawi ang kanyang kamay sa akin .

Kung kanina ay natataranta siya. Ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa akin .

"A-alam mo namang may ....."

Tinakpan ko ang bibig niya at pinigilan ko ang kanyang sasabihin gamit ang isang daliri ko dahil ayokong marinig ito .

Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita .

" Wala naman sigurong masama kung susubukan natin diba ? " nag-aalalang tanong ko at muli kong hinawakan ang kanyang kamay .

Hindi siya agad na nakasagot sa akin . Tila nag-iisip ng kanyang sasabihin sa akin .

" A-ayoko. " seryoso niyang sagot sa akin.

Nalungkot ako sa sagot niya kaya napayuko ako .

" Ang ibig kong sabihin ayoko munang sagutin kita. Hindi mo pa nga ako nililigawan eh . " sabi niya.

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ