Part 14: Sinigang na Baboy

939 84 8
                                    

Alam niyo ba 'yung pakiramdam na kinikilig ka pero at the same time ay kinakabahan ka din ?

Ganito ang nararamdaman ko ngayon kay Edward.

Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay parang sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng kanyang tibok .

" Ahemmmm ... " nagulat ako sa pagtikhim ni Edward .

" Bushak .. " mahinang sabi ko .

Bigla akong napatawa ng mahina kaya tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang aking sarili .

Tumingin si Edward sa akin at tila nawewerdohan ito sa aking kinikilos.

" Why Maymay , may nakakatawa ba ? " nagtatakang tanong ni Edward sa akin.

" May naisip lang akong nakakatawa , dong .. " pagdadahilan ko.

" Diba alas dies pa pasok mo sa school natin bukas May ? " tanong niya.

" Oo , bakit Dong ?" tanong ko din bago ako umayos sa pagkakaupo at medyo lumayo kay Edward.

" Do you want to come with us tonight ? "

Napaisip ako kung saan ang lakad nila .

" Eh dong alam mo naman na hindi ako pwedeng lumabas pag gabi . " sagot ko.

Natatakot kasi akong magpaalam kay Daddy.

Nakita ko ang pagyuko si Edward at parang lumungkot ang kanyang mga mata.

" Sorry talaga dong ."

" Please May...kahit ngayong gabi lang " pakiusap niya .

" May gig kasi kami mamayang gabi sa 19 East ." dagdag pa niya at bigla akong nahiya na tumanggi sa kanya dahil ilang beses ko na itong tinatanggihan tuwing yayayain niya akong manuod ng gig nila.

" Sige pero try ko munang magpaalam kay daddy ha ? "sabi ko.

" Paalam saan MaryDale ? " tanong ni daddy sa akin habang papalapit sa gawi namin at umupo sa pang isahang sofa .

Siniko ako ni Edward .

" Sabihin mo na May . " mahina niyang sabi .

" Kung pwede ba...akong...." putol putol kong sabi.

"Yayayain ko sana siyang manuod ng gig namin mamayang gabi tito . "

Inunahan ako ni Edward sa aking sasabihin.

Napatingin sa akin si Daddy dahilan para mas lalo akong kabahan.

" Eh kung gusto ni Maymay . . . bakit hindi . " sabi ni daddy na ikinatuwa ko.

Tinignan din ako ni Edward . Pareho nilang hinihintay ang aking isasagot.

" S-sige Dong. " nakangiti kong sabi

Nilipat ko kay daddy ang aking mga paningin. Matapos ay tumayo ako at lumapit sa kanya.

" Thank you Daddy . " sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi "

" Sige . Pupuntahan ko lang mama mo , titignan ko lang kung tapos na siyang magluto. "

Pagkatayo ni daddy ay agad akong bumalik sa tabi ni Edward at pareho naming sinundan ng tingin si daddy at hinintay namin siyang makalayo sa amin .

Lumapit sa akin si Edward at may binulong siya sa akin.

" May bakit parang ang bait yata ni tito Ricky ngayon ? " natawa ako sa bulong niya sa akin.

Alam kasi ni Edward na hindi kami magkasundo ni Daddy .

" Diba inaasar mo ako kanina kung bakit namumugto mga mata ko . . . Nagkasagutan kasi kami ni Daddy kagabi. . .kaya sinabi ko sa kanya lahat lahat ng hinanakit ko sa kanila ni Mama . "paliwanag ko.

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now