Part 38: In Pain

714 62 26
                                    

Nagtitigan kami ng masama ni Edward . Tumayo agad ako at lumapit sa kanya, bigla ko siyang sinuntok sa kanyang mukha.

Bumagsak siya sa buhangin.

Kaagad siyang tumayo at ginantihan ako ng isang malakas na suntok dahilan para pumutok ang aking labi .

Shit ! napamura ako sa aking isip .

Lalong uminit ang ulo ko .
Gaganti pa sana ulit ako ng isang suntok nang biglang pumagitna sa amin si Maymay. Galit siyang nagpapalit palit ng tingin sa amin .

" Hindi ba kayo titigil? " galit niyang tanong sa amin .

Hindi kami sumagot sa kanya . Matalim lang kaming nagtitigan ni Edward at parehong nakahawak sa aming mga panga .

" Halika na umuwi nalang tayo Patricia " pag aaya ni Maymay .

Hinawakan ko siya sa kanyang braso pero marahas niya itong tinangal .

" Tara na ! " galit niyang hinawakan ang kamay ni Patricia at mabilis silang lumayo sa amin.

Hinabol ko sila .

" W-wait lang May . " pigil ko sa kanya at mabilis na hinawakan sa kanyang kamay , napabitaw siya kay Patricia.

" Bitawan mo nga ako Patrick " pagpupumiglas niya .

" Iiwan mo ako dahil lang .. " putol ko na nasabi .

" Dahil makitid ang utak mo " galit niyang sabi .

" Hindi makitid ang utak ko May , nagseselos ako " sagot ko kanya.

" Nakakasakal kana " sagot niya sa akin .

" Nasasakal ka ba talaga o nahihirapan ka lang gumalaw kasi nandyan si Edward ? " inis kong tanong sa kanya .

Natahimik siya sa aking sinabi .

" Ano ? Totoo diba May ? " galit kong tanong .

Hindi niya ako sinagot. Pumasok siya sa kanilang kwarto at kinuha ang mga gamit niya .

" Mag-usap nga muna tayo " inagaw ko sa kanya ang kanyang bag .

" Akin na nga yan ! " galit niya itong inagaw sa akin .

Tumingin ako sa kanya ng matagal .

" Hintayin mo ako ihahatid kita. " seryosong sabi ko .

" Hindi na kailangan " sagot niya .

" Hindi ka uuwi kapag hindi ako ang naghatid sayo . " tumalikod ako dala dala ang kanyang mga gamit . Pumunta ako sa aking kwarto at nagpalit ng aking damit. Kinuha ko ang aking susi at padabog na sinara ang pintuan.

" Tara na ihahatid na kita ! " naiinis kong sabi sa kanya at hinatak ang kanyang kamay , kinaladkad ko siya papasok sa aking kotse .

" Aray ano ba nasasaktan na ako ! " pasigaw niyang sabi .

" Pag-usapan niyo muna yan Patrick " lalapit sana sa amin si Patricia nang pigilan ko siya .

" Dyan ka lang problema namin to " pigil ko sa kanya .

" May .. " nag-aalalang sabi ni Patricia .

Pag upo ko sa driver seat ay kaagad kong pinaandar ang aking sasakyan.

Lumapit sa amin si Edward .

Hinawakan niya ang gilid ng aking bintana at sumilip siya sa amin .

" Patrick lasing ka . Bukas mo nalang siya ihatid ! " galit niyang sabi .

Hindi ko siya pinakinggan at mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan .

Nakita ko sa rare view na sumunod sila sa amin kaya mas binilisan ko pa ang aking pagmamaneho .

" Patrick dahan dahan lang baka mabangga tayo ! " nag-aalalang sabi ni Maymay.

" Mahal mo ba talaga ako May ? " mapait kong tanong sa kanya .

" Oo mahal kita kaya ihinto mo na tong sasakyan please ! " pagmamakaawa niya .

Tumingin ako sa kanya ng matalim.

" Si Edward May mahal mo parin ba siya ? " tanong ko.

" Ano bang klaseng tanong yan Patrick ! " inis niyang sabi .

" Sagutin mo nalang May ! Mahal mo parin ba si Edward ? " pasigaw ko .

Galit siyang tumingin sa akin .

" Bakit pag sinabi ko bang oo ihihinto mo tong sasakyan mo ? " tanong niya .

Nakangisi akong tumingin sa kanya .

" Sabi na eh , ginawa mo lang ba akong panakip butas May ? muli kong tanong sa kanya .

Umiling siya sa akin .

" Hindi... minahal kita Patrick " nakita ko ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.

" Kung minahal mo ako , bakit hindi mo ako kayang intindihin? " nasasaktan kong sabi sa kanya .

" Bakit kailangan siya muna bago ako ? Naiintindihan ko naman na kaibigan mo siya pero pucha naman May Boyfriend mo ako . Kung nasasaktan si Edward paano naman ako ? May damdamin din ako May . " paliwanag ko sa kanya .

Bigla nalang bumasak ang ilang butil ng luha sa aking mga mata .

Lalaki ako pero bakit ganito. Bakit ko siya iniiyakan.

" I-im sorry Patrick , akala ko kasi kapag sinagot kita mababago mo ang lahat pati ang nararamdaman ko para sa kanya . " umiiyak niyang sabi .

" Patawarin mo ako Patrick . " dagdag pa niya .

" Pwede ba akong humingi ng last request sayo May ? Pwede ko bang hawakan ang kamay mo ngayon ? pagtatanong ko .

Hindi siya sumagot . Binigay nalang niya ang kanyang kamay sa akin .

Hinawakan ko ito ng mahigpit .

Hindi ko tinangal ang pagkakahawak sa kanyang kamay hanggang sa ....

A/N

Anyareeeeeee????
🚑🚑🚑🚑

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Where stories live. Discover now