Chapter 68

34.9K 536 59
                                    

WARNING: UNEDITED!!!

Author's Note:
LAST CHAPTER ;(((

Mia's POV:

"B-bilisan mo ang pagmamaneho Melon. B-baka maabutan niya tayo." Hinihingal kong utos sa kaniya. Ginawa naman niya ito agad at nang mapatingin naman ako sa rearview mirror,doon ako nagimbal.

Nakasunod sa amin si Bryle at mabilis ang takbo ng kotse nito. Malapit na niya kaming maabutan pero hindi nagpatalo si Melon.

"IWALA MO MUNA SIYA." Sigaw ko sa kaniya. Maging sina Manang ay kinakabahan na rin sa mga nangyayari. Sino ba ang hinde?

Umikot kami pakaliwa at nanatili pa rin itong nakasunod sa amin. Sinubukan ulit namin siyang iwala pero wala pa rin.

Talagang matalino si Bryle dahil sinisigurado niyang nakasunod siya sa amin. Hanggang sa triniple ni Melon ang bilis ng kotse at sakto namang nagred light ang traffic light kaya hindi na siya nakasunod pa sa amin.

Ngunit nanatili kaming alerto at patingin-patingin sa likod kung nakasunod siya pero swerte namin dahil hindi na.

Nang makalayo kami dito,napabuntong-hininga naman ako ng malalim. Humugot pa ako ng hininga at inilabas din ito.

Ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.

"D-dala mo ba ang cellphone ko manang?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Si Brenda naman ang tumingin sa bag na dala niya.

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin siyang ibinibigay kaya nagtaka ako. Napatingin naman ako sa kaniya at hinahalungkat pa rin ang bag.

"N-naiwan ko po Ma'am." Sagot nito. Annnoooo???

Paano na iyan? Hindi ako makakahingi ng tulong kung ganun. Pero kahit na nadala ni Brenda iyon,hindi kami matratrack ni Bryle dahil inactivate lang naman ni Glen ang tracker nito.

Thanks to him pero useless lang din naman. Ngayong kailangan namin iyon tsaka naman hindi nadala. Makakahingi sana kami ng tulong kay Mama.

"S-sorry po." Paumanhin nito.

"Ayos lang." Sagot ko naman. Ayaw ko naman na makonsensya siya dahil alam kong malaki na ang naitulong nila sa akin.

"Namamaga na yang mga pisngi mo Iha. May sugat ka rin sa labi." Nag-aalalang sabi ni Manang.

"Ayos lang ako Manang. Kayo ho ba ayos lang kayo?" Tanong ko naman. Alam kong medyo malakas ang pagkakabagsak niya sa sahig kanina lalo na't tumatanda na rin siya.

Umiling naman ito at napatingin naman kay Melon. Umiling din ito gayun din si Brenda. Haysss. Hindi ko ineexpext na mangyayari ito.

Mag-uumaga na rin pala at inaantok na rin ako. Pagod ako at alam kong ganun din sila. Si Melon ay papikit-pikit na pero nanatili pa rin akong alerto.

Mabagal na ang takbo namin at kagubatan na ang nasa paligid namin. Hindi ko alam kung nasaan na kami basta tuloy lang ang takbo ng kotse.

Hindi ko sinasadyang madapo ang tingin ko sa likod at kinabahan nang makita ko ang kulay black na sasakyan na malayo sa amin.

Angkalsada kasi dito ay patag at dire-diretso lang kaya makikita mo agad ang nakasunod sa iyo gaano pa ito kalayo. Sigurado akong kay Bryle ito.

Napatingin naman ako sa harap at nagulat dahil may malaking sanga ng puno sa kalsada.

"MELON!" Ubod lakas kong sigaw. Mukhang nabuhay naman ang diwa niya. Ang kaninang tulog na sina Manang at Brenda ay nagising.

Sa bilis ng pangyayari,kinabig ni Melon ang manibela at papunta na ito ngayon sa malaking puno. Hindi na nakapagpreno pa si Melon at sasalpok na kami sa puno.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now