Chapter 20

28.2K 496 54
                                    

Chapter 20 ~ Palawan

Mia's POV:

Dalawang naggwagwapuhang kalalakihan ang nabungaran ko. Hindi sila pamilyar sa akin at mas lalong hindi ko sila kakilala.

"Buti naman nakarating kayo mga kupal?" Tanong sa kanila ni Bryle na hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa pwesto namin.

Teka nga! Ibig sabihin, kilala nila si Bryle? At mukhang close ang mga ito sa isa't isa dahil nagfist bump silang tatlo. Kumunot ang aking noo.

"Ofcourse! You invited us kaya mahirap tanggihan ang grasya. Aside from that, may libreng alak panigurado!" Tumatawang ika ng isa.

Napailing-iling ang kasamahan niya. Ramdam kong ayaw nitong gumawa ng kalokohan kapag nasa Palawan na kami.

Maamo ang mukha nito. Pero napansin kong medyo may pagkakahawig kami na agad kong iwinaksi sa aking isipan.

Hindi naman na bago sa akin ang ganoon.

Tumalikod na ako sa kanilang direksyon. Baka mayroon na namang masabi si Bryle na ikinasasakit ng damdamin ko.

Bukod doon, bawal ang maki-usyoso sa usapan ng ibang tao. Pinalaki ako ng mga magulang ko na may respeto sa iba.

"Where's your wife dude? Kala ko ba, ipakikilala mo na siya samin?" Saad ng isa. 'Yung lalaking unang nagsalita kanina.

"She isn't my wife!"

Dinig kong depensa ni Bryle sa sarili. Napangiti ako ng mapait at dahan-dahang lumayo sa kanilang pwesto. Pero sadyang malalakas ang kanilang boses.

"Daming arte! Magiging asawa mo rin naman 'yun!"

Napapikit ako at pinakalma ang sarili. Naiiyak na naman kasi ako. Lalakad na sana ako papalayo pa sa kanila nang biglang may humila sa aking braso.

Nanlaki ang aking mga mata ng hilahin ako ni Bryle papalapit sa kaniyang mga kaibigan.

"Bryle, 'yung braso ko."

Pilit kong tinatanggal ang kaniyang kamay pero mahigpit iyon hanggang sa nasa harap na ako ng kaniyang mga kaibigan.

"Meet my soon-to-be wife, Mia. Mia, they are my friends, Helios and Ivan."

Napatitig ako sa kaniyang dalawa. Si Helios ang una kong kinilatis. Bukod sa gwapo, katulad ito ni Yevlin. Maporma ngunit may kapilyuhan.

Si Ivan, ang sinasabi kong medyo kahawig ko ang kaniyang mga mata. Nagtitigan kami ng matagal at pinakiramdaman ang isa't isa.

"Uy bro, 'wag mo nang agawan si Bryle!"

Napatingin kami ng sabay kay Helios na nakangising-aso. Naunang nag-abot ng kamay si Helios na siyang ikinagulat ko. Ramdam ko ring napaakbay si Bryle sa akin at inilapit ako sa kaniyang katawan.

Mukhang hindi naman ito pihikan sa mga taong kinasasalamuha. 'O baka pinakikitunguhan lang niya ako dahil alam niyang nasa tabi ko si Bryle?

"By the way, I'm Helios Miss."

Bago ako makipagkamay sa kaniya, pasimple kong ipinahid ang aking palad sa suot kong dress. Tsaka ko iniabot sa kaniya ang aking kamay ng mabilisan.

Kay Ivan naman ako napatingin ngayon. Nahuli ko itong nakatitig sa akin at hindi ko mawari kung bakit.

"It's nice to meet you Mia. Ivan nga pala." Nakipagkamay rin ako sa kaniya pero matagal na magkadaop ang aming palad.

Iniwan ko muna sila sa kanilang pwesto upang sila'y makapag-usap. Ramdam kong may nais tanungin sina Helios at Ivan kay Bryle na sila-sila lamang ang makakaalam.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now