Chapter 64

19.4K 292 14
                                    

WARNING: UNEDITED!!!

Mia's POV:

"Madaling magmahal,mahirap masaktan." Habang sinasabi niya ito,nabasag ang boses niya. Nanatili naman kaming tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Ilang minuto ang naganap na katahimikan. Pero ilang sandali lang nung magsimula nang humikbi-hikbi si Quira ng mahina. At nagsimula na siyang umiyak.

Hinaplos ko naman ang likod niya oara gumaan ang loob niya. Si Glen ay tumigil na rin sa kakanguya ng pagkain. Si Quenos ay nakatingin lang kay Quira.

Si Hera ay naluluha na rin at nagpupunas na ng mga mata niya. Ako naman ay naluluha na rin sa nakikita kong Quira ngayon. Awang-awa ako ngayon sa kaniya.

Ang kaninang mahihinang pagsigok,ngayon ay lumakas na. Hindi palakwento si Quira tungkol sa serious relationship niya. Palagi niyang winawala ang usap pagdating sa ex niya.

EX niyang linoko siya. Na pinagpalit siya sa iba. At ang mas malala pa,hindi pala siya minahal ito. Lahat nang yan ay nasaksihan namin.

Sobra-sobra niyang dinamdam ito. Ilang araw siyang nagmukmok sa bahay nila. Hindi makausap ng maayos. Kung minsan pa,natutulala na lang bigla tsaka iiyak.

Flashback:

"Excited na 'ko! Ano kayang surpresang inihanda ng honey ko?" Bakas sa mukha at boses niya ang excitement. Pupunta kami ngayon sa field nitong school namin dahil may inihanda daw na surpresa ang bf niya.

Hindi naman siya masisisi dahil mahal na mahal niya ito. Tinamaan ang Lola niyo. Kilig na kilig ito nung nanligaw ito sa kaniya.

Kami namang magkakaibigan ay natatawa na lang sa kaniya. Grabe kasi itong makilig. Pati katabi niya nakukurot niya sa braso.

Kaya lalayo kami mamaya sa kaniya.

Okay na okay namin kami sa boyfriend niya. Mabait ito tsaka maasahan talaga. Nakakatuwaan pa nga namin ito. Ilang months na silang mag-on kaya kampante lang kami sa tabi.

Medyo gwapo rin ito tsaka may kasikatan sa campus. Hindi na kami nagulat nang malaman ng lahat na nanliligaw si Fred sa kaibigan namin.

"Surpresa ba kamo? Baka makikipagbreak na yan sayo!" Natatawang pang-aasar ni Quenos lay Quira.

Napasimangot naman siya sa sinabi nito. Kaming apat naman ay tawang-tawa. Hindi naman yata gagawin ni Fred yun.

"Letse ka! Bawiin mo yang sinabi mo!" Inis na sigaw ni Quira sa kaniya. Ayaw na ayaw nitong may nagsasabi sa kaniya na magbrebreak din sila ni Fred.

Baka daw kasi magdilang-anghel ito.

Ngayon pa lang namin siya napagsabihan nito. Plano talaga ni Quenos na sirain ang mood ni Quira. Pang-asar kasi eh!

"Eh paano kung ayoko?" Nang-iinis na sabi ni Quenos. Mas lalong nabwisit si Quira sa kaniya.

"WALANG FOREVER!" Sigaw bigla ni Glen sa kaniya. Mas lalo kaming natawa. Nananakit na rin ang tiyan ko sa kakatawa. Napahawak pa kami sa mga tiyan namin sa sobrang pagtawa.

"Sakit sa panga tangina!" Sabi ni Quenos.

"Inggit ka lang! Atleast ako,may boylet!" Ganting pang-aasar ni Quira kay Glen pero wa-epek naman. Natatawa pa rin ito habang naglalakad kami.

Nang matanaw namin ang field,nangisay ulit sa kilig si Quira. Umarte pa itong parang mahihimatay na. Diosko!

Marami nang mga tao ang nakapalibot sa nagsisilbing stage. Nakita namin doon si Fred na matiyagang naghihintay kay Quira.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now