Chapter 23

24.7K 528 64
                                    

Chapter 23 ~ Mga Kaibigan


Bryle's POV:

Alam ko. Alam kong may munting pagtingin si Ivan kay Mia. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya titigan ang babaeng papakasalan ko.

Nagsimula sa titigan, hanggang sa naging pasulyap-supyap na. At hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kung tumingin si Ivan.

Kilalang-kilala ko si Ivan. Hindi ito basta-basta maaattract sa kung sinu-sinong babae. Pihikan ito pagdating sa ugali.

Hindi ako sigurado kung ganoon rin si Mia sa kaniya. Pero sa palagay ko, hindi napapansin ni Mia iyon.

Gusto ko munang matuklasan at 'wag padalos-dalos sa hakbang na aking gagawin. Mahalaga rin sa akin si Ivan at hindi ko siya kayang itakwil bilang matalik na kaibigan.

Afterall, may pinagsamahan rin kami.

Hindi ko iyon basta-bastang maitatapon na parang basura dahil parte na siya ng buhay ko. At hindi ko matatanggap na masisira lamang ang pinagsamahan namin dahil lamang sa iisang babae.

Kahit kailan, hindi kami nag-away pagdating sa babae ganun rin kay Helios. Magkaiba-iba kami ng taste.

Pero hindi naman yata pwede ang ginagawa niya. Ang babaeng pakakasalan ko pa mismo ang kakalantarin niya?

Napakagago niya para gawin iyon sa akin. Hindi ako papayag na maaagaw niya sa akin si Mia nang ganun-ganun lang.

Pero sino nga ba si Mia sa buhay ko? Except the fact that she will be my wife, my Mom was encouraging me to marry and love her trully.

Kahit na hindi pa ako sigurado kung sa akin ang bata, ituturing ko pa rin siyang fiance para kay Mom at sa angkan ko.

Sa aming pamilya, hindi pa kami nagkaroon ng ganitong scandal. Maganda ang reputasyon namin sa publiko at hindi namin hahayaang madungisan iyon.

Besides, sina Mom at Dad lang naman ang may lamat sa isa't isa. But they were not divorce yet. Kaya hindi ako papayag na si Mia ang makakasira ng pangalan namin.

Magkamatayan na kami kung ganoon.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na magkagusto kami sa iisang babae. Palagi siyang nagpaparaya sa akin pero fling lang ang gusto ko sa mga iyon.

Nag-iinit talaga ang ulo ko.

Hawak ko na ang iniuutos sa akin ni Mia na manga. Hindi ko alam na naghanda pala si Brenda ng nabalatang manga in case na magutom siya.

Kaya maaga akong nakabalik.

Pero hindi muna ako nagpakita dahil narinig ko ang salitang magugustuhan galing kay Helios. Nanaig ang kuryosidad ko kung ano na ang nangyayari.

Nandoon ako, nakatingin sa kanila. Nang lumalapit na ang mukha ni Ivan kay Mia, naging alerto ako. Pero huli na.

Naidampi na ni Ivan ang kaniyang labi sa pisngi ni Mia. Walang kaalam-alam si Mia na siya ang pipiliin ni Ivan. Obvious naman ang sagot.

Gusto kong makita ang magiging reaksyon ni Mia at Ivan. At ayun na nga ang pinakahihintay ko at labis ko naman itong ikinagalit.

Hindi na ako nakapagpigil pa at agad na hinablot ang braso ng asawa ko. Agad siyang napatayo at galit na tinignan si Ivan na nakayuko.

Hindi ba niya dedepensahan ang sarili?!

"Damn you bastard!"

Sigaw ko kay Ivan at hinawakan ko ang kwelyo ng kaniyang damit. Agad ko siyang sinuntok sa mukha.

I'm Pregnant (BOOK 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt