Chapter 2

36.6K 721 36
                                    

Chapter 2 ~ Kutob

Mia's POV:

Nagising ako bandang hapon na. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari. Damag-dama ko pa rin ang bawat haplos niya sa katawan ko. Ang mga halik niya. Napasabunot ako sa buhok ko.

Napabuntong-hininga ako at binitawan ang buhok. Hindi na ako nakapasok sa school. Naghihinayang ako sa isang absent ko dahil first time kong umabsent sa school. Hindi naman ako sakitin!

Kahit na kulang-kulang ang baon ko ay pumapasok pa rin ako. Siguradong nagtataka na ang mga teachers ko kung bakit ako absent ngayon. Himala kasi! Kilala akong masipag na estudyante.

Inabot ko ang cellphone kong nasa bedside table. Sinubukan kong i-on pero wala. Napakamot na lang ako sa leeg dahil sa katangahan ko.

Lowbatt pala.

Nakalimutan kong icharge. Ichacharge ko sana noong madaling araw pagkauwi ko pero nakalimutan ko na. Mumurahin lang ang cellphone ko.

Isinaksak ko agad ito at ini-open. Pagkastart pa lang, bumaha na ng texts at missed calls. Galing sa tropa tsaka sa schoolmates ko na rin. Nagtatanong kong ba't absent ako.

Kita mo na?

Iniwan ko muna ang cellphone ko. Magsasaing pa ako at magluluto ng ulam. Napatingin ako sa miniref ko at nadismaya nang makitang walang laman. Puro tubig lang na nakabottle.

Bibili na lang siguro ako ng ulam sa labas. Tinignan ko ang wallet ko sa kwarto. Kokonti na lang ng pera ko at malayo pa ang payday ko sa trabaho.

Hahanap ba ako ng isa pang part-time job?

Nasa malalim akong pag-iisip nang magring ang phone ko. May tumatawag, si Hera.

"Hello." Sagot ko dito.

"Babaita ka! Ba't ngayon mo lang sinagot?! Nag-alala ako sayo! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo! By the way, ba't di ka pumasok?" Sunod-sunod na tanong niya sakin.

"Sumakit lang pakiramdam ko pero okay na. Papasok na ako bukas."

"Siguraduhin mo lang 'ha! Sya nga pala, wag ka na munang pumasok sa trabaho mo, baka mabinat ka. Magpahinga ka na lang."

"Hindi pwede. Kung hindi ako magtatrabaho, wala akong suswelduhin. Alam mo na ngang mahirap ako, mas lalo pa akong maghihirap." Protesta ko sa kanya.

"Ano ba Mia! Isipin mo naman yang katawan mo! 'Pag nagkasakit ka, mababawasan pera mo sa pagpapagamot! Pupunta na lang ako diyan sa inyo, aalagaan kita! 'Wag ka nang umangal!"

"Sige na nga."

Napipilitan kong sagot. Wala akong laban sa kaniya. Magaling pa naman 'yun pagdating sa pakikipag-away. Kotang-kota siya 'dun! Para ngang hindi babae kung umasta!

Hindi na ako magugulat kapag naging tomboy si Hera, pero 'wag naman sana. Sa totoo lang, maldita siya pero pagdating sa mga kaibigan niya bumabait naman. Mapili siya sa mga taong kaniyang kinasasalamuha.

Tulad ng sinabi niya, pumunta siya dito sa bahay pero di naman siya nagtagal. Kinamusta niya lang ako at bumili siya ng mga groceries ko. Sinermunan niya muna ako bago umalis.

Tumanggi ako pero makulit siya 'e! Wala na akong nagawa. Palibhasa, mayaman! Naiinggit ako minsan. Nasa kaniya na ang lahat habang ako, hayaan nga!

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now