Chapter 47

19.6K 330 62
                                    

Chapter 47 ~ Pagkikita

Bryle's POV:

Bago pa ako matali nang tuluyan kay Mia, napag-alaman kong nasa Paris si Lian. Sa una, hindi ako makapaniwala lalo na't nasira na ang reputasyon nila.

I got curious about her life after the scandal. Hindi ko alam kung may natitira pa bang pagmamahal ang puso ko para sa kaniya.

Siguro, meron pa.

May nararamdaman akong emosyon at 'yun ay ang kagustuhan kong makita siyang muli. Binabagabag ako ng nararamdaman kong ito.

Binabawela ko naman pero sadyang hindi maalis. Sadyang kumapit na sa sistema ko. Ginawa ko ang lahat. Nagpakabusy ako sa trabaho at lahat-lahat pero wala pa rin.

Nalaman ko kay mismo kina Quenos at Glen na pangarap ni Mia na makapunta sa Paris. Nasabi sa akin ng mga ito ng malasing sila nung nagpa-groom roast ako.

At iyon ang ginamit kong dahilan.

Dahil sa kadaldalan nila, nakaisip ako ng paraan kung paano ko makikita si Lian nang may sapat na dahilan na maipapakita ko aking ina.

Nung una ko silang makita, silang dalawa lang ang nag-uusap at hindi masyadong nakihahalubilo sa iba. Ramdam kong hindi sila boto sa akin para sa kanilang pinakamamahal na kaibigan.

Pero nung nalasing na, ubod ng daldal. Kwento doon, kwento dito. Nakwento din nila si Mia kaya nagkainteres akong makinig sa pinagsasabi nila.

May pakinabang rin pala sila.

Marami akong nalaman tungkol sa kaniya. Sa buong buhay daw nito, wala siyang naging kasintahan kaya nagulat sila nang malamang buntis ito.

May nanliligaw naman raw kaso basted lahat. Plus, overprotective 'tong dalawang 'to sa kaniya kaya natatakot ang ibang kalalakihan na manligaw.

Napailing-iling ako.

Mahal na mahal raw nito ang lola at tiya niyang nasa probinsya. Inuuna niya ang lola nito kaysa sa sarili. Bagay na kinabiliban ko.

Panandalian akong natulala nang maaninag ko si Mia na kakapasok pa lamang dito sa loob ng simbahan. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga kamay at kinabahan.

Nasabi ko ang salitang I Love You nang hindi sinasadya. Parang nawala ako sa aking sarili habang binibigkas ang salitang iyon.

Naguluhan ako sa aking sarili.

Mahal ko si Lian kahit na paulit-ulit niya akong pinagmukhang tanga. Kahit na iparamdam nitong balewala na lamang ako sa kaniya. Pero ngayon, naguguluhan na ako.

Nahirapan ako sa aking sitwasyon. At nagsisi na sinabi ang mga katagang iyon na nagpapahirap sa akin ngayon. Pero lalaki ako kaya ginawa ko ang naiisip kong tama.

Pinanindigan ko ang sinabi ko. Pero sa tuwing nagiging maalaga at mapagmahal akong asawa sa kaniya, si Lian ang naiisip ko. Ganitong-ganito rin ako dati sa kaniya.

Paano kaya 'pag si Lian ang pinakasalan ko?

Hanggang sa nakagawian ko nang maging sweet kay Mia at hindi pinag-isipang mabuti ang kahihinatnan nito. Alam kong napakagago kong tao.

Pero mabuti na lamang at hindi ko siya natatawag sa pangalang Lian kundi nabisto ako. Dahil alam kong masasaktan siya.

May puso din naman ako kahit papano.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon