Chapter 61

19.8K 345 15
                                    

Warning: UNEDITED!!!

-HINDI MAGKADUGTONG YUNG STORY DAHIL ANG DATING LAMAN NG CHAPTER NA ITO AY BABAGUHIN KO. ANG UNANG PART NITO ANG SIYANG BAGONG LAMAN NG CHAPTER 61. SANA PO HINDI KAYO MAGULUHAN! SALAMT!

YOU HAVE BEEN WARNED!

Chapter 61 ~ Barkada

Mia's POV:

"Ulitin mo nga ang sinabi mo."

Parang nabingi ako sa sinabi si Quenos. Natahimik kaming lahat at nasa akin ang kanilang tingin. Lumapit sa aking tabi si Hera habang may nag-aalalang tingin.

Titig na titig ako kay Quenos. Pero nanatiling galit ang tingin nito habang nakayuko. Nakakuyom rin ang kaniyang kamao na parang handa na akong sapakin anumang oras.

"Wag mo na lang pansi--"

Sabat ni Hera. Pero itinaas ko ang aking palad para patahimikin siya. Nandoon pa rin ang pag-aalala nito sa kaniyang mukha. Nag-aalangan ito kung magsasabi ng totoo.

"Ano bang tinatago niyo?"

Tanong ko sa kanilang lahat habang tinignan sila isa't-isa ng dahan-dahan. Umiwas ng tingin si Hera. Nanatiling blangko ang mukha ni Glen habang si Quira ay kumagat sa kaniyang labi. Si Quenos naman ay masama pa rin ang tingin.

"Ba't hindi mo tanungin ang asawa mo?"

Sagot ni Quenos pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Diretso na itong nakatingin sa akin kaya malaya ko siyang natitigan. Hindi naman siya dati ganito ah? Parang ibang Quenos ang kaharap ko ngayon.

Dapat na ba akong kabahan?

"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi tutal ikaw ang nagsimula?" Malumanay kong sagot. Walang magagawa ang galit ko kapag iyon ang iintindihin ko. Oo, kaibigan ko sila pero hindi nila pwedeng pagbintangan si Bryle.

Really Mia?

You're now choosing your husband than your friends? Ganun na ba ako kahibang para piliin ang taong walang pakialam sa akin kaysa sa mga kaibigan kong matagal ko nang kilala?

Bumuntong-hininga ako.

"Ano ba talaga ang problema?"

"Ikaw! Masyado kang nagpapalinlang sa gagong Bryle na 'yan! Pwede kang tumanggi sa kaniya pero lahat ng gusto niya, sinusunod mo na lang ng walang pag-aalinlangan! Matuto ka namang huminde Mia!" Sigaw ni Quenos sa akin. Nagulat ang lahat sa kaniyang biglang pagpapakatotoo.

"Sinasabi mo bang nagpapaloko ako sa kaniya?" Inis kong sagot sa kaniya. Parang sumusobra naman ata siya?

"Bakit hindi ba?"

Ngumisi siya at tumawa ng nakakaloko kalaunan. Napatahimik ako at nabalot ng kalungkutan ang puso ko. Ang akala ko suportado nila ako pero may hinanakit pala sila sa akin.

Sino pa ba ang sisisihin?

Ako ang nagsimula ng lahat ng 'to. Kasalanan ko bang maghangad ng magandang kinabukasan at magkaroon ng buong pamilya ang kambal? Masama bang mangarap at tupadin iyon?

"Quenos tama na 'yan!"

"Wag ka ngang umarte Quira na parang wala lang 'to!" Bwelta naman niya kay Quira. Napaatras si Quira sa malakas na sigaw iyon ni Quenos sa kaniya. Ngayon lang siya nagtaas ng boses sa amin.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now