Chapter 33

22.7K 420 28
                                    

Chapter 33 ~ Kanta

Mia's POV:

Nag-iwas siya ng tingin at hindi agad nakasagot sa aking tanong na syang ikinataka ko. Hindi naman masama ang itinanong ko 'diba?

Biglang nagvibrate ang kaniyang phone na nasa kaniyang bulsa sa suot na pantalon. Agad niya itong kinuha at tinignan agad ito.

"Anong problema Bryle?"

Kita ko ang paglunok nito sa sariling laway at napainom ng wine na nakahanda sa mesa. Hindi rin ito mapakali nang makatanggap ito ng mensahe galing sa kung sinoman sa kaniyang phone.

Napatingin ito sa akin pero agad din nag-iwas ng tingin. Mas lalong kumunot ang aking noo sa ipinapakita niya ngayon.

"Nothing."

Napataas ang aking kilay pero kalauna'y, ipinagsawalang-bahala ko rin. Nagkibit-balikat ako sa naiisip. Marahil tungkol na naman ito sa kompanya niya.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko." Saad ko nang mapansing naging tahimik na ito. Kung minsan pa, nabibitawan nito ang hawak na kutsara.

Lutang na lutang ito.

Idinampi ko ang aking palad sa kaniyang kamay at bahagya siyang nagitla at nanlalaking napatingin sa akin. "Ano ba talaga ang problema?"

"I said nothing!"

Sigaw niya. Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata at napabitaw sa pagkakahawak sa kaniyang kamay na ngayo'y nakakuyom na.

"Nagtatanon lang naman ako."

Sagot ko na nag-iiwas ng tingin. Rinig kong napabuntong-hininga ito. Nanginginig ang kamay na hinawakan ang kutsara at tinidor.

"About what you asked before, I'll answer it. But promised me, not to mention it anymore." May pagmamakaawa sa kaniyang boses. Tumango ako.

"Basically, this hotel is for us, Lian and I."

Hindi ako nakapagsalita. Ilang sandaling katahimikan ang namayani nang magpatuloy ito sa pagsasalita.

"We designed this together. The original copy of this hotel suggested by her. Ako lang ang nagplano na gawin itong gawa sa salamin to be unique." Natahimik siya ulit.

"Nasaan na ang original copy kung ganoon?" Tanong ko. Gusto kong makita at hindi ko alam kung bakit.

"I burned it. I change the every part of this hotel but I didn't change na gawin itong salamin. Her designs was nothing compared to my designs."

"Pero bakit nagpatayo ka pa rin ng hotel kung maaalala mo lang siya?" Maaaring gusto niya pa ring maalala si Lian pati ang kanilang pinagsamahan kahit papano.

"Kahit na nagbreak kami ni Lian, It doesn't change my dream to have a hotel someday. Hindi man ito para kay Liam, maybe it was for my wife if ever na ikakasal ako. And that was you Mia."

Medyo napanganga ako.

"When I was a child, paborito kong tignan ang sunrise at sunset. I was not contented sa semento so I planned na gawin itong salamin. At first, hindi pumayag ang mga hinire kong engineer. Nakipag-away pa nga ako sa kanila pero at the end, sinunod rin naman nila ang kagustuhan ko."

Namangha ako sa kaniya dahil sa murang edad pa lamang niya, meron na siyang gustong gawin sa buhay. Kumbaga, naplano na niya ang gusto niya.

"Hindi ka ba nahirapan noon? Alam mo na, magastos ito." Tanong ko. Alam kong may pera siya pero gusto ko lang malaman kung kinaya ba niya talaga.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now