Chapter 50

20.6K 368 83
                                    

Chapter 50 ~ Pagsuko

Bryle's POV:

Pagkatapos sana naming magsex ni Lian ay titigilan ko na siya. Pero kinakain ko lamang ang aking sinasabi. Natatameme ako pagdating sa kaniya.

"Hello?"

Inis kong pagsagot sa tawag ni Mia. We will go home in the Philippines tommorow morning pero parang wala lang sa akin. Hindi pa ako nakakapag-impake.

Napabuntong-hininga ako.

"Ah Bryle, tatanungin ko lang sana kung anong oras ang flight natin--"

Tanong nito pero naputol ang kaniyang sinasabi nang biglang sumingit si Lian sa aking likuran. Napamura ako sa aking isipan.

Alam kong pagtataksil na ang ginagawa ko kay Mia pero parang hindi man lamang ako binabagabag ng aking konsensya. Bagkus tinutuloy ko pa rin ito.

Ano na ang gagawin ko?

Hindi ko kasi maiwan-iwan si Lian dito sa France. Tinapos ko na ang tawag dahil nakatingin sa akin si Lian habang nakanguso ang kaniyang labi.

"Your wife?"

"Yeah."

"What did she say?"

Tanong nito. Nagtimpla ako ng sarili kong kape. Napailing-iling. Pinili kong dito na lamang magpalipas ng gabi.

"Asking about our flight."

"You're both going home? What about me?" Gulat niyang tanong. Napabuntong-hininga ako. Tinignan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

"I'm not leaving you Lian."

Agad na ngumiti ito ng matamis sa akin at binigyan ako ng halik sa labi. Nagpresinta itong magluluto ng aming hapunan pero agad kong tinanggihan.

She can't cook.

Wala itong ibang alam gawin pagdating sa gawaing-bahay. Ultimo paglilinis ay hindi niya magawa.

Nagpaalam itong maliligo na habang nagluluto ako. Napatango ako sa kaniyang sinabi at itinuon na lamang ang pansin sa pagluluto.

Itinext ko si Mia na bukas ng alas-diyes ng umaga kami uuwi ng Pinas. I'm not sure kung makakasama ko siya sa pag-uwi dahil talagang nagdadalawang-isip ako kung uuwi ako.

Nasabi ko rin sa kaniya na iiwan na lamang ang aking mga gamit sa hotel which is lie. In case na magbago ang aking isipan, hindi masasayang ang pag-iimpake niya ng aking gamit.

Natapos ako sa pagluluto at saktong tapos na rin ito maligo. Suot ang kaniyang roba na animo'y inaakit na naman ako.

Napaiwas ako ng tingin at inihanda ang lamesa. Wala akong imik habang kumikilos. Patuloy ko pa ring iniisip kung uuwi ako ng Pilipinas.

Sigurado akong lagot na naman ako kay Mom nito pag pinabayaan ko si Mia na umuwing mag-isa lalo na't buntis ito. Over-protective pa naman siya kay Mia.

Pero ngayon, walang laman ang aking utak kundi si Lian lamang. Kung paano ko makakasya ang ilang araw naming pagsasama para matapos na ang kahibangan kong ito.

"Babe what's wrong? Kanina ka pa tahimik." Saar ni Lian habang may nag-aalalang mukha. Napangiti ako ng peke.

Lumingkis siya sa aking braso na syang ikinatigil ko. Napayuko ako sandali upang tignan ang kaniyang mga braso.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now