Chapter 6

30.9K 597 8
                                    

Chapter 6 ~ Desisyon

Mia's POV:

Nakaligo na ako at nakaayos na rin ang mga damit ko. Kinuha ko na lahat ng gamit ko dito sa aparment at hindi alam kung babalik pa ako dito.

Bayad na ako rito sa apartment kaya wala nang problema. Hinihintay ko na lang ang susundo sa akin.

Bago umalis, nagpaalam ako sa may-ari na lilipat na ako sa ibang bahay. Gumawa ako ng kwento na may nakita akong mas murang bahay na uupahan.

Dalawang maleta, isang backpack at dalawang karton lang naman ang dala ko. Bitbit ko sa isang kamay ang isang unan na nagsisilbing dantayan ko.

Nanonood ako ng TV ng makarinig ako ng katok mula sa labas. Marahil sila na ang susundo sa akin papunta sa bahay ni Bryle. Siguro ito na yung mga bodyguards na sinasabi ni Ma'am Lucy.

Nagtataka siguro kayo kung bakit Ma'am ang tawag ko sa kaniya? Hindi niya sinabi kanina na dapat ko na siyang tawaging Tita o Mama.

Ayokong masabihan na feelingera.

Binuksan ko ang pinto at tama nga ang hinala ko.

"Pasok po kayo."

Kita kong pinagtinginan ako ng mga estudynate na nag-aapartment rin dito. Nakakaintimidate ang mga bodyguards ni Ma'am Lucy. Kitang-kita mo kung gaano sila kalinis. Pati sapatos, medyo kumikinang.

Naglakad sila papasok ng hindi nagsasalita. Nakashades pa ang mga ito kaya hindi ko makita kung ano ang tinitignan nila. Nakatuxedo sila at hula ko, nasa trenta anyos ang ilan sa kanila.

Nilagpasan nila ako na nanatiling nakatayo sa pinto. Napangiti ako ng hilaw. Ang nakatawag sa pansin ko, ang isang bodyguard na hindi nagbuhat ng gamit ko.

Apat silang bodyguard pero lima ang gamit ko. Dapat tag-isa sila. Ang isang bodyguard, bitbit niya ang dalawang maleta.

Nang makuha ang mga gamit ko, lumabas din sila agad pero nanatiling nasa loob ang sinasabi kong bodyguard. Tinignan ko siya ng nagtataka pero deadma lang.

Bago lumabas, pinasadahan ko kuma ng tingin ang buong apartment ko. Pitong taon rin ako tumira dito kaya napamahal na rin ito sa akin.

Palabas na ako ng pinto ng maalala kong nasa loob pa ang unan kong dadalhin ko kaya nagkasalubong kami ng bodyguard. Ako ang papasok samantalagang siya ay palabas na kaya medyo nagkabungguan kami.

"Pasensya na Young Lady."

Biglang saad nito na nagpagulat sa akin. Ang akala ko, hindi niya ako kakausapin. Ganun kasi ang napapanood ko sa mga palabas sa TV.

"Sorry din." Maikling sagot ko.

Nagbigay daan siya kaya agad-agad akong pumasok ulit at kinuha ang unan kong nasa monoblock na upuan. Napatingin ako sa kaniya at nakatingin rin siya sa akin, nag-iwas ako ng tingin.

"Sumunod na lang po kayo Young Lady."

Napatango ako. Nauna nga siyang naglakad palabas. Kitang-kita ko kung paano tumingin sa akin ang mga estudyante pero binawela ko iyon.

"Mia! San punta mo sis?"

Tanong ng isang baklang nag-aapartment rin dito. Kilala siyang warfreak dito kaya hindi ko siya linalapitan.

Baka masangkot pa ako sa gulo.

"Lilipat ng tirahan."

Nasa labas ng kami ng building. Naghihintay ang iba pa sa may nakaparadang mamahaling sasakyan. Dalawang kotse ang nakita ko na magiging sasakyan namin.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now