Chapter 15

26.7K 493 13
                                    

Chapter 15 ~ Engagement Party Part 2


Lucy's POV:

I was in our mansion doing paper works. I need to finish this early para makadalo sa engagemanent party ng kaisa-isa kong anak.

"Madame, Mr. and Mrs. Hidalgo are here."

Saad ng sekretarya ko. Nakalimutan kong sabihin na nandito pala ang sekretarya ko para tulungan ako sa trabaho. Pinapunta ko siya rito kani-kanina lang dahil may ipapagawa ako sa kaniya.

Napangisi ako dahil mukhang alam ko na kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin.

"Let them in." Sagot ko.

Ilang sandali ang nakalipas, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto na tanda na nandito na sila sa loob ng opisina ko.

"What brought you here?"

Tanong ko sa dati kong kaibigan na si Elena Hidalgo. Masasabi kong isa siyang mabuting kaibigan kapag nangangailangan ng pera. Note the sarcasm please?

Inangat ko ang aking tingin sa kanila at kitang-kita ko kung gaano sila kagalit na nakatingin sakin pabalik. Mas lalong lumawak ang ngisi ko.

"How dare you to turn off the marriage proposal of my daughter and your son?!" Sigaw niya. Unti-unti naman akong tumingin sa kaniya at napangisi.

Sino ba siya sa akala niya para sigaw-sigawan ako?

"Whose child first cheated?" Napatulala naman siya at hindi na nakapagsalita. Nawala ang galit sa kaniyang mukha at napalitan ng inis.

Ang asawa niya naman ay hindi nagsalita. Kaibigan siya ng asawa ko at hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagkakaibigan nila kapag hindi natuloy ang kasal nila Bryle at Lian.

Sa pagkakaalam ko, hindi na sila nag-uusap magmula nung nagkasagutan sila ni Francis dahil sa negosyo. Inaabuso niya ang pagkakaibigan nila ng asawa ko.

No wonder nagmana sa kanila si Lian, the gold-digger family. Hindi matanggal ang ngisi ko sa labi dahil sa mga naiisip ko ngayon.

"Malalaman ito ni Francis." Pananakot niya. Napatawa ako sa kahibangan niya. 

"Go on! Call and ask him if the wedding of your daughter and my son will continue." Pang-aasar ko. "You know what, your daughter doesn't deserve my son. She doesn't have dignity in herself. What a disgrace to your family." Sabay irap sa kanila.

Dinuro-duro ako ng Ginang. "Don't talk to my daughter like that, kung hindi ako ang makakalaban mo!" I know their daughter's dirty secret.

"Come on Elena! You're defending your slutty daughter? Hindi makapaghintay na maikasal sa anak ko kaya naghanap na nang iba? Kung hindi ba naman siya mukhang pera?" Tinawag ko ang aking sekretarya na nakikinig lang sa tabi. "I have proofs."

"Give them the envelope."

Utos ko sa aking sekretarya na agad namang sumunod. Nagtatakang napatingin ang dalawa sa sakin. Well, tignan natin kung may maipapakita pa kayong mukha sa akin.

"Open and fucking see it."

Binuksan nila ang envelope at tumambad sa kanila ang pictures ni Lian na nagpapakalandi sa iba't ibang lalake.

Lumaki naman ang mga mata nila at hindi makapaniwalang tumingin sakin. I guess, wala silang kaalam-alam sa pinaggagawa ng anak nila.

How sad.

"This isn't true! We raised Lian well!"

Sigaw ng asawa ni Elena at nakita kong kumuyom ang dalawang palad niya. Naiiyak na rin si Elena dahil sa nasaksihan.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now