Chapter 21

25.5K 538 25
                                    

Chapter 21 ~ "Hindi ko po ito ginusto."


Mia's POV:

"Musta tulog niyo?" Tanong ni Eunice sa akin habang  nakangisi. Napabuntong-hininga ako habang pababa ng hagdan.

Nadatnan ko rin ang iba na nagkakape sala habang kumakain naman ng umagahan ang mga bata.

"Pakulo niyo 'yun noh?" Usisa ko.

"Kung sabihin kong oo, anong magagawa mo?"

Muli akong napabuntong-hininga. Tulog pa si Bryle. Nagtabi kami sa iisang kama pero magkabaliktad kami ng posisyon.

Ang aking uluhan ay nasa malapit sa headboard ng kama habang ang kaniyang uluhan naman ay sa paanan ko.

Napailing-iling pa ako sa kaniyang harap bago siya talikuran upang magtungo sa kusina. Kailangan kong kumain ng umagahan dahil naisuka ko lahat ang kinain ko kagabi.

"Iha, makisalo ka na sa kanila."

Nadaanan ko si Manang habang papunta ako doon. May dala itong tray na may lamang tasa. Mukhang kape ito.

"Where's Bryle? Hindi pa ba siya gising?" Tanong ng kaniyang Ina sa akin.

"Tulog pa po."

Umupo ako at nagsimula akong paglingkuran ni Brenda. Isang baso ng gatas at salad na Manga ang inihanda nila sa akin.

Pwede ba 'yun?

Nag-aalinlangan akong tikman ang salad na nasa harapan ko. Napatingin ako sa kanilang lahat. Busy sila sa kani-kanilang pagkain kaya't naglakas-loob na lang akong tikman ito.

"Sino po ang naghanda nito?"

"The salad?" Tanong ni Lola sa akin.

"Opo. Ngayon lang po ako nakatikim ng ganto."

"Is it too sweet?" Takang-tanong ni Lolo sa akin.

"Tamang-tama lang po 'yung lasa. Sino po ba ang gumawa neto?" Talagang binabagabag ako ng aking kuryosidad.

"Bryle prepared that for you. Kaninang hatinggabi pa niya ginawa 'yan."

Hindi ako nakapagsalita at agad na pinamulahaan ng pisngi sa sinabi ni Ma'am Lucy. Hindi ko inaasahan na si Bryle mismo ang gumawa neto.

Hindi naman siya matamis masyado. Natitikman ko ang condensadang gatas na naihalo. Kahit na may gulay ito, nananatili pa ring matamis.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at piniling 'wag na lamang silang sagutin. Mas maigi na lamang na isipin nila ang gusto nilang isipin.

~~~

Nagkayayaan kami nina Grace na tumambay muna sa dalampasigan. Hindi naman nalalayo iyon sa tinutuluyan naming resthouse.

Malamig ang simoy ng hangin dahil na rin siguro sa papalapit na ang pasko. Bukod doon, sariwa ang hangin na nakapagpapagaan ng iyong paghinga.

Pinayuhan ako ng mga matatandang Aberla na huwag masyadong magliwaliw dahil may mga masasamang loob pa rin sa paligid.

Bukod doon, nagpasama sila ng iilang mga bodyguards para masiguro ang aming kaligtasan pero nasa gilid-gilid lamang sila.

"Daming mga gwapo."

Si Eunice ang bumasag sa katahimikan habang naglalakad kami sa dalampasigan. Oo, marami ngang gwapo pero hindi ako nabibighani sa kanila.

"Dito na kaya makakahanap ng mapapangasawa ko?" Si Yevlin.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now