Chapter 39

21.1K 406 58
                                    

Chapter 39 ~ Tey

Mia's POV:

Flashback:

"Look, my dad bought this when we went to Paris last week." Saad ng aking kaklase at binida-bida nito ang suot na sapatos.

Nasa ikalima akong baitang nang marinig ko ang aking mga kaklase ang kaniya-kaniya nilang kwento tungkol sa bansang France.

Wala akong intensyong makapunta sa bansang iyon dahil wala akong perang panggastos kung nagkataon. Pero wala rin namang masama kung mangarap ka minsan.

Isang sikat na private school ang pinapasukan ko at hindi mawawala ang mga anak mayayaman. Kahit papano, nasanay na ako sa mga ugali nilang pabidahan.

Umay na umay na nga ako 'e!

Pero naisip ko, wala akong karapatan na pagbawalan sila dahil may kaniya-kaniya kaming buhay. Bukod doon, mahirap nang pag-initan pa nila ako.

Napahigpit ang hawak ko sa aking ballpen na mumurahin at napatigil sa pagsusulat. Break time namin pero heto't ako, nagsusulat sa aking kwaderno.

"Wow, it looks good on you."

Papuri sa kaniya ng kaniyang kaibigang plastik. Patalikod kong tumira ang bruha. Sa pagkakaalam ko, matalik silang magkaibigan pero plastik sa isa't isa.

Napailing-iling ako sa mga naiisip at napatingin sa palagid. Maingay dito sa classroom at kaniya-kaniyang kwento ang naririnig ko.

Katatapos lang Christmas Break.

Napatingin ako sa bida-bidang kaklase. Isa itong maarteng estudyante at super yabang pa. Pati lapis na binili nila sa ibang bansa, ibinida pa!

Hanep!

Sikat siya sa campus dahil sa kaniyang ugali pati na rin sa estado ng kanilang buhay. Kung ang ibang mga estudyante ay manghang-mangha sa kaniya, ibahin niyo ako.

Minsan na rin akong binully niyan pero buti na nga lang, nahuli kami ng isang guro. Lalo na't iniingat-ingatan pa naman ako ng buong school dahil sa position ko sa loob ng campus.

Isa akong Dean's Lister.

Napatingin ako sa kaniyang bagong sapatos. Hanep sa kintab pero hindi ito kaakit-akit sa akin. Kulay yellow ito at masakit sa mata.

Allowed dito sa campus ang magsuot ng civilian pero minsan lamang sa isang linggo. Violation na kapag inaraw-araw mo.

"I want that too."

Sabat ng isa at pinagkaguluhan ang kaniyang sapatos. Nagpatuloy ako sa pagsusulat hanggang sa mabanggit niya ulit ang bansang France.

Dahil sa kuryosidad, pinakinggan ko ang kwento nito kung gaano kaganda ang nabanggit na bansa. Naiimagine ko ito sa papamagitan ng kaniyang kwento.

Napatingin ako sa aking katabi. Napangiti ako nang makita kong maging siya ay nakikinig rin sa kwento ng aming kaklase.

"Curious ka din?" Pagtatanong ko.

Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo. Napatawa ako ng mahina sa kaniyang inasta. Bumalik ito sa pagbabasa sa hawak na libro at umastang hindi nakikinig.

"Ikaw Tey, nakapunta ka na rin ba doon?" Tanong kong muli. Inis itong tumingin pabalik sa akin pero kalauna'y umiling-iling.

"Bakit hindi pa? 'E may kaya naman kayo sa buhay. Afford niyo naman sigurong bumili ng ticket 'diba?"

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now