Chapter 52

19.4K 400 55
                                    

Chapter 52 ~ Gender Revelation


Mia's POV:

Nandito ako sa labas ng hospital at naupo habang hinihintay si Mama sa loob. Pinauna na niya akong lumabas at kinausap na siya na lang muna ang unang makaalam ng gender ni baby.

Wala namang problema sa akin.

Gusto ni Mama na magkaroon ulit ng party para sa gender revelation ni baby. Alam kaya ni Bryle na may party?

"Let's go."

Biglang saad ni Mama na syang ikinalingon ko. Sinabi na kaya ng doctor sa kaniya? Or may iba pa itong sinabi tungkol sa kalagayan ko?

"Ma, ano sabi?"

Curious kong tanong. Naglalakad kami patungo sa parking lot. Technically, uuwi na kami sa bahay at bukas na daw kami mamimili ng mga gamit ni Baby.

"Malalaman mo rin naman mamayang gabi. Mayroong Baby Shower na magaganap." Excited niyang sagot.

Napabuntong-hininga ako at tumango na lamang. Mas pinili ko na lamang na hindi umimik sa buong biyahe habang siya ay panay ang tawag nito kung kani-kanino.

Hindi naman ako mapili sa gender ng baby ko. Basta't maging ligtas at mabuhay ng mapayapa ay ayos na sakin.

Pero nasisigurado kong lalaki ang magiging baby ko. Tsaka matutuwa ang pamilya ni Bryle kapag nalaman nilang lalaki dahil balang-araw, siya ang magmamana lahat ng pinaghirapan ng kaniyang ama.

Hindi masyadong hinahawakan o hinahaplos ni Bryle ang tiyan ko na parang ayaw nitong idapo ang kaniyang palad sa aking balat.

Ewan ko kung bakit. Hindi rin naman kami masyadong nagsasama. O baka ayaw niya lang hawakan dahil sabi nga niya, hindi niya anak to.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Napabuntong-hininga ako at bumaba na.

Tulad ng dati, tahimik pa rin ang bahay. Wala pa ring Bryle na amin nadatnan. Muli akong napabuntong-hininga at dumiretso sa aking kwarto.

Napansin ko ring nagsisidatingan ang mga hinire siguro ni Mama na mag-aayos ng party.

Habang nagsusuklay ng buhok, naisip ko si Bryle. Palagi itong tumatakbo sa aking isipan at hindi ito maalis. Epekto kaya ito ng pagbubuntis?

O pinaglilihian ko siya?

Kailan niya kaya ako matututunang mahalin? Ako kasi, nahuhulog na sa kaniya. Ramdam ko sa aking kilos na nahuhulog na ang aking loob kay Bryle.

Kaso may mahal itong iba 'e. May Lian na siya kaya masasaktan lang ako sa kaniya. Tsaka hindi niya matatanggap ang isang kagaya ko, hindi ba?

Ika nga niya, isa akong malandi.

Pero hindi pa rin ako sigurado kung mahal ko na ba talaga siya. Wala naman akong kakilalang kaibigan na eksperto sa ganito para mapagtanungan ko sana.

Minsan, ayokong dumalo sa mga party dahil nakakatamad. Lalo na ngayon, tinatamad na naman ako.

Ang hirap naman kasing sumegway. Nakakahiya kung iiwan ko sila doon ng basta-basta kahit na hindi pa tapos ang salo-salo.

Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ako ng katok doon. Sumilip si Brenda at ngumiti ng malaki. Ngumiti ako pabalik at tumayo.

"Baba na daw po kayo Ma'am sabi ni Madame. Magsisimula na daw ang salo-salo. Sa garden na lang po kayo pumunta ha?"

Tuluy-tuloy nitong saad at siya na rin mismo ang nagsara ng pinto. Nagtaka ako kung bakit sa garden gaganapin ang salo-salo.

Ang akala ko, dito sa loob ng bahay. Malawak naman dito ah? Tsaka gabi na, baka mahamugan pa ako.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now