Chapter 49

19.2K 347 189
                                    

Chapter 49 ~ Pagtataksil

Bryle's POV:

Napatingin ako sa pinto na nasa aking harapan ngayon. Hindi ako sigurado kung tama ba ang pinasok ko. Nanatili ang aking paningin sa pinto at wala yatang balak na magdoorbell.

Napabuntong-hininga ako.

Napagpasiyahan kong kumatok na lamang ako pero bago ko pa ito maisagawa, Lian open the door with a smile.

"I can see you in my CCTV." 

Malambing nitong saad at pinaresan ng mabini't matamis na ngiti. Napatingin ako sa kaniyang labi pero panandalian lamang iyon.

Pinapasok agad ako nito at inalokan ng maiinom na kape pero tumanggi ako. Gumala ang aking paningin sa loob ng kaniyang unit.

"Water will do."

Nagtungo ito sa kusina at kumuha ng tubig sa kaniyang mini refrigerator. Pero nahulog ang kaniyang cellphone at yumuko.

Dahil maiksi ang kaniyang dress, kitang-kita ko ang kaniyang underwear na kulay pula. Napaiwas ako ng tingin at napangisi.

Ilang segundo ang nakalipas, bitbit na nito ang tubig na aking pinapakuha. Napaangat ako ng tingin mula sa kaniyang kabuuan at may nakasilay na matamis na ngiti pa rin.

Inilapag nito ang baso ng tubig sa mesa at yumuko ulit ako. Ngayon, kitang-kita ko naman ang kaniyang mga bundok na natatakpan pa ng kaniyang kulay pula ring bra.

Napamura ako sa aking isipan. Sinasadya yata nitong akitin ako. Well, you were so good at this Lian and I'm not sure if I can resist you.

Umupo ito sa aking tabi pero may distansya pa rin sa aming pagitan na syang pinagpapasalamat ko.

"You came. Why, Bryle?"

Seryoso na nitong tanong. Linaro-laro nito ang kaniyang mga daliri. Napabuntong-hininga ako ng palihim.

"I want to ask you about something."

"Oh please, let's enjoy the moment for the meantime." Sagot nito. "So how are you? Matagal din tayong hindi nagkita."

"Yeah, I thought I wouldn't see you again because of your scandal na kumalat sa public." Pangungutiya ko. Nakita ko ang panandalian niyang pagkakatulala.

"Did you know that your mother was the one at fault?" Tanong nito na nakakuha sa aking interes.

"What did you say?"

"So you didn't know huh?"

Nakangisi nitong saad. Napakuyom ako sa aking kamao at hindi makapaniwalang nagawa iyon ni Mom sa kaniya.

"You're taking revenge at me?" Matapang kong tanong. Tinignan ko ito diretso sa kaniyang mga mata.

"No, I was just stating the fact. I know naman na that matter was already finished. You cannot bring back the damages." Ngumiti ito.

Naging akward ang paligid.

"Then what do you want from me?" Deretsahan kong tanong. Napaiwas ito ng tingin at napakagat sa kaniyang labi.

"I want to say sorry for what I had done to you before. I messed things up between us."

Napangisi ako.

"You cannot bring back the damages also." Tumingin ito sa akin at kitang-kita ko ang nagbabadya nitong mga luha sa kaniyang mga mata. Napatigil ako at nawala ang ngisi sa aking labi.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now