Chapter 65

20.8K 282 10
                                    

WARNING: UNEDITED!!!

Mia's POV

Magmula nung araw na iyon,nawala ang inosenteng Quira. Naging mabagsil ito at naging mas matapang. Hindi na rin naman pinaalala pa sa kaniya ang tungkol sa ex niya.

Pero ngayon,mukhang mauungkat. Ngayon lang namin ito napag-usapan ang bagay na ito. Naging bulag at bingi kami pagdating kay Fred.

Hindi na rin namin ito nakita pang muli pati na rin yung babae niya. Naglaho na lang ang mga ito na parang bula. Baka sa sobrang kahihiyan?

Hindi nawala ng tsismis tungkol dun. Hindi naman namin ito pinapansin. Buti na lang at tinakot sila ni Quenos at Glen na kung makwento pa nila ang mangyayari,iki-kick-out sila.

"A-ang sakit-sakit pa rin." Madamdaming sagot ni Quira sa amin. Walang gustong magsalita sa amin.

Nararamdaman namin na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Hindi naman kami manhid na hindi marunong makiramdam.

"M-mabait naman siya nun sa akin ah? M-minsan lang magtampo yun pero sobra-sobra. A-ang hirap niyang amuhin. B-binibilhan ko siya ng chocolate 'pag galit siya sa akin. Pero napapansin ko na noon na parang naglalaho na yung minahal kong Fred. Ang dating sweet na Fred,naging cold na siya sa akin. Mabilis na rin siyang magalit at nasisigawan na niya ako. Lahat ng yun ay binalewala ko dahil akala ko,may naging mabigat na kasalanan ako sa kaniya." Kwento nito at napaiyak muli.

"Wag ka nang magkwento kung hindi mo na kaya." Seryoso kong sabi. Mas lalo namang lumakas ang iyak niya kaya nataranta na kami.

Inabutan namin siya ng tissue at tinanggap naman niya. Naglabas din ito ng sipon. Nag-abot rin si Glen nang tubig. Uminom naman ito pero kunti nga lang.

"K-kaya ko pa." Sagot nito. Napailing-iling na lamang ako sa tigas ng ulo niya. "Ngayon lang natin siya mapapag-usapan simula nung m-magbreak kami." Dagdag niya.

"Honestly,mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Hinahanap-hanap siya ng puso ko. Wala akong balita kung asan siya. Pagkagising ko sa umaga,siya agad ang naiisip ko. Mga paborito niyang pagkain ay tandang-tanda ko pa. Tuwing kakanta siya kapag mag-uusap kami sa telepono. Wala akong pakialam kung umabot pa kami ng hatinggabi. Boses niya ang isa sa nagustuhan ko sa kaniya. Hanggang sa isang gabi,nag-away kami. Hindi lang basta-bastang away kundi nagsigawan na rin kami. Text ako ng text sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Hanggang sa napagdesisyonan ko nang pumunta sa bahay ng kabarkada niya. Nakita ko siya doon na may kahalikan na babae. Ang babaeng yun ay ang tumawag sa kaniyang babe nung kakabreak pa lang namin. Sobra akong nagselos noon. Naayos rin naman agad namin dahil ilang ulit siyang nagsorry sa akin. Sinabi pa niyang lasing siya noon kaya hindi niya intensyon na halikan yung babae. Ako naman si Tanga na naniwala agad. Binigyan ko siyang isa pang pagkakataon. Nagtagal rin naman kami pero marami ang nagbago. Hindi na kami masyadong nagkakausap at maliit na oras lang ang ginugugol namin sa isa't isa. Hanggang sa nagtaka ako ng gabi bago ang 11th monthsarry namin,may surpresa daw siya sa akin. Sobra akong naexcite sa pagkakaalala na babalik ulit sa dati ang lahat pero nagkamali ako." Huminto muna siya bago huminga ng malalim.

Nagpunas ito ng luha. Pati si Hera ay todo iyak na rin. Seryoso naman akong nakatingin kay Quira. Habang ang dalawa ay poker face lang.

Talagang yung babae na yun ang girlfriend niya. Mahirap husgahan ang isang tao lalo na't hindi natin alam ang pinagdadaanan niya.

Pero isa lang ang paniniwalaan ko. Isang manloloko si Fred.

Hindi naman nagkukwento si Quira noon at puro kilig moments lang niya ang nasasabi sa amin. Hindi nga namin alam na nag-away sila.

Minsan,hiniram ko ang cellphone ni Quira,wallpaper niya ang ex niya. Picture nilang dalawa ito at masayang-masaya sila doon.

Na parang hindi sila nagkawatak ngayon. Parang hanggang ngayon,sila pa. Hindi nabawasan ang pictures nila sa phone nito.

Kung ilan noon,ganoon pa rin ngayon.

Napalunok naman ako ng laway ko dahil nararamdaman kong malapit na rin akong umiyak. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Dun ako naliwanagan sa lahat. Na hindi na babalik ang dati. T-tinapos niya ang relasyon namin. Saan ba ako nagkulang? Naging mabuti at maalaga naman akong girlfriend sa kaniya ah? Nabibigyan ko naman siya ng oras pero bakit naghanap pa rin siya ng iba? Hindi pa ba ako sapat? Hindi ko ba nagagampanan ang posisyon ko sa puso niya? Hanggang ngayon,natatanong ko pa rin yan sa buhay ko. Utang na loob,patahimikin na sana ako ng nararamdaman ko para sa kaniya. Ganito na lang lagi ang nararamdaman ko. Ilang ulit kong pinangako sa sarili ko na magmomove-on na ako pero ba't hindi ko magawa-gawa. Na bawat araw,umaasa pa akong magkakabalikan pa kaming muli. Hinihintay siya na bumalik ulit sa akin."

Mayroon talagang mga tao na dadating sa buhay mo pero sa huli ay iiwan ka rin. Sa hindi mo pa inaasahan na pagkakataon na mawawala sila sa piling mo.

Hindi mo namamalayan na unti-unti na pala silang naglalaho.

"Kaya paano ko siya makakalimutan? Sabihin niyo nang martyr o tanga ako,pero anong magagawa ko? Nagmahal lang ako pero sa maling tao pa. Ito ba yung karma ko? Alam kong pinaglalaruan ko ang puso ng mga nanliligaw sa akin noon,pero ganito ba katindi ang parusa ko? Ang tindi-tindi ng parusa ko eh! Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay sa ganito kong sitwasyon. Pagod na pagod na ako! Putangina naman! Pagod na akong umasa! Pagod na akong mahalin siya! At mas lalong pagod na akong lumuha!"

Nakaalalay naman kami sa kaniya. Sa ganitong pagkakataon,mahirap iwanan ang isang tao na alam mong kailangan ka niya.

Mahirap nga naman ang magmove on. Isang salita pero hindi mo magawa. Palagi kang inuunahan nang damdamin mo kung handa mo ba siyang pakawalan.

"Minsan Quira,hindi sa lahat ng oras na pinapairal ang puso. May isip ka naman kaya alam mo kung ano ang makakabuti sayo. Hindi porket siya ang nauna mong minahal ng seryoso,siya na ang huli. Bilog ang mundo. Malay mo hinihintay ka na pala ng lalakeng para sayo." Sabi ko sa kaniya.

Umiiyak na pala ako at ganun din ang iba. Nakakasakit kasi sa puso ang pinagdadaanan ngayon ni Quira. Hindi sa lahat ng oras,matapang ang isang tao.

Lahat tayo ay may hirap ding dinadanas.

Marami pa naman ibang lalake diyan na mas deserving ang pagmamahal mo Quira. Hindi tulad ni Fred na sinayang ka lang. Lakas na manggago!

Pati ang dalawang boys ay nadala na rin sa emosyon nila. Hindi ko inaasahan na iiyak rin sila katulad namin ni Hera. May pinagdadaanan rin kasi silang hirap sa pagmamahal.

Masaya ako sa kanilang dalawa. Dahil nahanap nila ang paglalaanan nila ng kanilang pagmamahal. Sana hindi sila magaya sa akin o kay Quira na sobrang complicated ng sitwasyon namin.

Sa akin kasi,okay pa dahil kasal na naman kami ni Bryle. Oero hindi ko nga lang hawak ang puso niya. Yun lang ang problema.

Kay Quira na yata ang pinakagrabe. Pero umaasa akong malalagpasan niya ito. Na magiging masaya ulit siya na parang dati.

Yung toong ngiti niya.

Ang tanging maririnig mo sa loob ng kwarto ay ang iyakan naming magkakaibigan. Ang sakit namang pakinggan na may masakit kaming pinagdadaanan.

Ganito nga talaga ang buhay. Minsan masaya. Pero madalas,malungkot. May kapalit na lungkot ang saya. Hindi naman natin ito napapansin pero iyon ang katotohanan.

Hindi natin alam kung kailan tayo pahihirapan ng tadhana natin. Napapaisip ako kung kaya ba nating baguhin ang nakatadhana na sa atin?

Mga pangyayaring hindi natin magugustuhan.

Maaari mong iwasan pero hindi mo matatakasan.

Darating tayo sa punto na nagiging manhid na tayo dahil sa sakit nating nararamdaman. Sakit na hindi malutas-lutas o malampa-lampasan.

Author's Note:

~~~

DON'T FORGET TO VOTE,COMMENT AND SHARE😊

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now