Chapter 6.2 - Hold Up

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpatuloy kami ni Sky sa paglalakad papunta sa aming classroom pero siyempre, madadaanan muna talaga namin ang lungga ng The Royals. Yun lang kasi ang nagiisang pink table sa may garden. Oo, may pink table din si Janina sa garden bukod pa dun sa cafeteria. Royal na royal talaga siya. Paano naman kaya niya nailipat lahat ng pink tables niya at paano kaya niya nareserve lahat ng lugar niya dito sa ECB eh hindi pa nga siya nakakapagaral dito eh. Ni hindi man lang yata siya nakaapak pa dito. Lumipad kasi siya agad sa NYC eh. Pero kilalang kilala na siya ng lahat ng tao agad agad. Famous na famous. Ganon talaga yata siya ka-special. Sabagay, mayaman eh. Marami talagang nagagawa ang pera.

Sila Debbie at Karen naman na nadaanan naming nakaupo sa lungga ng The Royals ay biglang nagtilian nang nakita kami ni Sky. Ibang klase talaga itong dalawang ito. Sila ang may pinakamaingay na reaksyon sa lahat ng nadaaanan namin. Ang sakit sa tenga! Dudugo yata ang tenga ko! Nakita ko din na hinawakan ni Sky ang tenga niya. Mukhang nakakabasag kasi talaga ng eardrums ang tili nung dalawa.

"OMG OMG OMG"

 

"OMG OMG OMG"

 

"OMG OMG OMG"

 

Paulit ulit na sinasabi ni Debbie habang hinahabol niya ang mabilis na paglalakad namin ni Sky. Teka, saan nga ba kami pupunta? Lumagpas na kasi kami sa classroom namin. Tapos wala ring tao sa classroom nang nasulyapan ko ito. Ano bang nangyayari? Nasaan ang mga estudyante? Wala bang klase?

"Kayo na guys? Kayo na? Kayo na?"

 

"Kayo na guys? Kayo na? Kayo na?"

 

"Kayo na guys? Kayo na? Kayo na?"

 

Si Karen naman, humahabol na rin. Paulit ulit din niyang sinasabi yung "Kayo na?" na linya. Nakakairita din! Hay!

Tumingin ako kay Sky at parang naiinis na siya sa paulit ulit na sinasabi at tinatanong ni Debbie at Karen. Nakakainis naman kasi talaga eh. Para kasi kaming apat na magkakahawak ng kamay ngayon. Para kaming quadruplets na hindi mapaghiwalay. Ayaw kasing bumitaw ni Debbie kay Sky at ayaw din humiwalay ni Karen sa akin.

Napipikon na talaga yata si Sky. Napansin ko kasing dumidilim ang kanyang aura. Hindi ko alam ang pinaplano niya. Hindi ko rin naman matancha ang ugali nitong lalaking to. Medyo bipolar kasi talaga siya eh.

"Let go of us." Mahina niyang sinabi. Pero nakakatakot ang kanyang itsura.

Bigla namang kumalas na din sila Debbie at Karen. Kung hindi lang hawak ni Sky ang kamay ko ay kumalas na din siguro ako sa kanya. Nakakatakot kasi siya eh. Para talaga siyang si incredible hulk. 

Hinila ako ulit ni Sky papuntang elevator. Hindi na nagdalawang isip sumabay ang ibang mga tao sa loob ng elevator kasi nakakatakot talaga si Sky. Leader kasi siya ng kinatatakutan na The Vengeance. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit tatlo palang silang nakikilala ko na members ng The Vengeance. Nung sinearch ko kasi ito dati, apat ang members nito. Ang The Royals din, apat ang members dapat pero si Debbie at Karen lang ang kilala ko. Hindi rin naman kasi nakalagay sa website kung sino ang mga members, mga pangalan lang ng leaders ang nakasulat. Sino kaya yung mga nawawalang members ng dalawang grupo? Hay! Bakit ko ba pinapakialaman. Pakialamera ko talaga kahit kailan.

Nasa loob pa rin kami ng elevator nang biglang binasag ni Sky ang katahimikan.

"What the hell?" Panimula niya.

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon