PAUNANG SALITA

299 60 61
                                    

Hindi talaga pumasok sa aking isipan na kaya kong magsulat ng mga tula. Maging hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na isa na akong manunula (hindi bihasang manunula).

Nagsimula ang lahat sa pagiging mag-isa. Sa kakapiranggot na papel at sa bigat na nararamdaman. Walang kung ano ay naglakbay ang aking kamay at hawak na panulat na tila alon sa karagatan.
Marahang humahampas at humahalik sa mga buhanging nagsikalat sa dalampasigan.

Nakabuo ako ng mga salitang nahawi ng aking mga mata. Nagsitakbuhan ang mga ideya't salita sa aking magulong utak. At kumawala ang imahinasyong nakakulong sa isang hawla.

Napiga ang bigat na nararamdaman at iniluwa ng aking puso ang mga likidong salita na hindi na kayang yakapin ng aking sarili.

Sa madaling salita, nahumaling akong humimok ng mga tulang nailuluwa ng aking isipan at nararamdaman.

Malaya akong nagkakapagsulat kapag ako'y mag-isa.

Ikaw? Anong nagagawa mo kung ikaw ay mag-isa?

❝☽︎❞

Karapatang-ari © (2021) ni @rainpaintsrainbow. Reserbado ang lahat ng karapatan.

❝☽︎❞

Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may-hawak ng karapatang-ari.

❝☽︎❞


ANG PAGPLAHIYO AY ISANG KRIMEN (Plagiarism is a crime)

❝☽︎❞


Maligayang pagdating, sana'y mawili ka sa pagbabasa ng aking mga tula. Maraming salamat.

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now