MBT 32 ♥ Feelings

340 3 1
                                    

Dear Readers,

Sorry ngayon lang ulit ako nakapag UPDATE kasi busy masyado sa school. Wala na akong time magtype at the same time ay wala na din akong inspiration. Hanap niyo nga ako. Hahaha! So ito na ang Latest after 2 o 3 months na ba? Ewan basta matagal na. So paano i-enjoy nalang ha?

+++++++++++++++++++++

Allie’s (Mar) POV

Eto nanaman ako naghuhugas sa resto pero wala sa isip ko ang ginagawa kaya nalaglag ang plato sa lapag.

“Mar? Are you ok?” ani Kim habang tinutulungan akong magpulot ng basag sa lapag.

“Oo.”

“Sigurado ka bakla? Kanina ka pa namin tinitignan parang wala ka sa sarili.”

“Ayos lang ako. Nabitawan ko lang ang plato.”

Nagsibalikan na sila sa kanya kanyang ginagawa. Napapa-isip parin ako sa misteryong tao na nagtetext sa akin.

Paano niyang nalaman na si Love ang gusto ko? Atsaka maliban kay Chinee, sa nasabihan niya na si Arthur (tdh), Kim at Andrea wala ng may alam na may gusto ako kay Love. Tsaka paano niyang nalaman ang number ko? Tapos kilala niya din ako.

Nanlaki ang mata ko san a isip. Baka stalker ko na iyon. O kaya taong galit sa akin at inimbistigahan ako at alam na niyang ako si Allie tapos ikalat niya at sabihin kay Love. Tapos tapos tapos…….waaaah!!!!

“Siya po sir iyong nakabasag.” Si Rita sabay turo sa akin. Ang tinutukoy niyang sir ay si Jinred. “Lagi nalang pong nakakabasag iyan dito. Iyan na nga lang po ang ginagawa niya nagbabasag pa siya.”

“Totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito?”

“H-hindi! Limang beses palang naman ako nakakabasag at hindi lagi.”

“Nagsisinungaling ka pa.” ani Rita sabay taas ng kilay. “Sir lagi po--”

“Shut up!” napatigil si Rita sa pagsasalita. Bleh barado. “From now on you (turo sa akin) will be the one to clean the comfort room.”

“Comfort Room?!”pabulalas kong sabi.

Nakita kong tumaas ang gilid ng labi ni Rita. Tsss! Sa loob loob niyan pinagtatawanan ako.

“And you.” Kay Rita

“Yes sir?” sabay pungay ng mata ni Rita.

“Your in charge in washing the dishes and the taking off the garbages.”

Kitang kita ko ang pagkakanganga ng bibig niya. Napangiti ako. Bwahahaha!!! Ano ka ngayon? Akala mo señorita ka forever ha? Utot mo!

“Move!” sabay pa kaming nagulat ni Rita at nagsimulang gumalaw.

Banyo Queen ako ngayon. Binuksan ko ang girls CR at bango ang sumalubong sa akin. Ganiyan talaga sa CR ng girls nakaka suffocate. Minsan hindi ako nagtatagal kasi sobrang bango sa loob sa sobrang bango nahihilo ako. In fairness malinis dito. Konting kuskos sa toilet bowl ayos na.

Limang toilet bowl din ata iyong kinuskos ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang hagikgikan ng mga kinikilig na babae.

“Ang cute nga niya Shiela.”

“Diba? Haay! Lagi na akong kakain dito.”

“Ako din noh? Hindi pwedeng masolo mo ang cute guy na iyon.”

Lumabas ng ako ng cubicle at kinuha ang mop na nakasandal sa pader. Palabas na ako ng pigilan ako ng isa sa dalawang babaeng nag-uusap.

“Excuse me!”

My BIG Transformation (another ending)Where stories live. Discover now