Chapter 42 ♥ The Finale

271 5 4
                                    

Exactly two years na ako sa wattpad ngayong araw at ipa-publish ko na ang huling part ng mbt. Thank you sa mga supporters :D

This chapter is dedicated kay arahadj08. Thank you sayo :D 

Enjoy the finale

love lots

-Author

+++++

LOVE’s POV

Exactly eleven nakarating kami sa sinabi ni Ryan. Isang abandonadong factory na nasa gitna ng malagubat na lugar. May dalawang lalaki ang naglalaro ng dama na gawa sa tansan na siguro ay nagbabantay doon. Inihinto ko ang kotse malayo sa lugar para hindi kami makita.

“May nagbabantay sa labas. Ako nalang ang pupunta. Dito nalang kayo.”

“No. No. No.” sabi ni Eros na iwinagayway pa ang hintuturo. “Hindi ka pwedeng magpadalu-dalos. Matinik si Ryan at oras na magpunta ka doon tiyak tigok ka! Dapat nating pagplanuhan ang pagsugod.”

Tama siya. Hindi basta-basta si Ryan.

++++++

ALLIE’s POV

Sa tingin ko nasa kalagitnaan na nang gabi dahil tahimik na ang mga kanina naghaharutan at naghahalakhakan na nagbabantay samin. Medyo nalalasahan ko pa ang dugo sa labi ko ng sampalin ako ng Ryan na 'yun. Hindi ko magawang puntahan si Ice na ngayon ay walang malay matapos ng walang habas na pagbugbog ni Agatha. Nakatali kasi ang kamay ko sa may likod ko kaya mahirap makawala. Tahimik nalang akong umiyak dahil wala akong magawa. Ni hindi ko matulungan ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Habang pumapatak ang luha ko ay parang may kuminang sa gilid ng mata ko. Nilingon ko iyon at muli itong kuminang. Nanggagaling iyon sa may sulok ng silid. Full moon kanina kaya marahil ito ang dahilan ng liwanag na pumapasok sa silid. May maliliit na butas kasi ang kwartong kinalalagyan namin.

Tumayo ako para tignan kung ano ang bagay na kumikinang. Para akong nabuhayan ng loob ng makita ko ito. Mula ito sa basag na salamin kaya agad kong kinuha ito at muling bumalik sa kinauupuan ko para hindi nila mapansin. Medyo mahirap kiskisin sa tali ang salamin dahil nahihirapan at ipit ang kamay ko pero nagawa ko itong mapigtal. Ginising ko si Ice matapos kalagan.

“Allie…”

“Sssh! Tatakas tayo.”

Inalalayan ko siyang tumayo kasi medyo hilo pa. Pumunit ako ng pirasong tela mula sa suot ko at pinunas sa may dugo niyang ilong. Sumilip muna ako sa labas kung may tao. Lahat sila tulog kaya naman lumabas na kami. Madilim ang lugar kaya nangangapa ako at hindi ko naman inaasahang may makapang parang kamay.

“Tatakas kayo?” Boses ni Agatha tsaka niya binuksan ang ilaw. “Sayang, nahuli ko kayo. Sa susunod kasi kung balak niyong tumakas galing-galingan niyo para hindi kayo mahuli.”

Hinawakan niya ako sa braso tsaka ako hinila pero nagpumiglas ako tsaka ko siya sinampal.

“How dare you!”

Sumugod siya sakin tsaka hinablot ang buhok ko. Nagsabunutan kami hanggang pareho kaming mahiga sahig. Nasa ibabaw ko siya kaya hindi ako gaanong makakilos at ng mahawakan niya ang dalawa kong kamay ay pinagsasampal niya ako. Hindi na ako makalaban.

“Ano?! Ang tapang mo ding lumaban sa akin eh ang hina-hina mo pala!”

Pinagsasampal niya pa ako. Napapatili na lang ako sa tuwing dumadampi ang kamay niya sa mukha ko. Sa sobrang sakit ng ginagawa niya ay hindi ko natiis at sinapak ko siya. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat tsaka hinawakan ang nasaktang mukha.

My BIG Transformation (another ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon