MBT 20 ♥ MY BIG TRANSFORMATION

475 9 2
                                    

Writer-Pasenxa na kung matagal akong mag-update ha? Hindi ako makapag unli ng broadband e pero madami naman ako kung mag update.

Vote, Comment and be my FAN

ENJOY! ^3^V

+++++++++++++++++++++++++

After 4 months

5:30am

Marissa’s Rent House

~ALARM RINGS~

“AHH!!!”

Agad kong pinatay ang alarm ng cellphone ko. Grabe para akong binugbog ng wrestler sa sakit ng katawan ko. Dahil 5:30 palang tulog muna ako ng kahit five minutes, 7am pa naman pasok ko e.

“Dumaan na ang isang daang bakla hindi pa din siya nagigising.” Author

~CELLPHONE RINGS~

NAAAHHH!!!! Kinuha ko ang cellphone ng labag sa kalooban. Pinindot ko ang answer button.

“Hello!”-tinatamad kong sabi

“Anong oras na?”-sabi ng kabilang linya

“Ewan?”-antok kong sabi *YAWN!*

“Anong ewan? It’s already 6:30am lang naman po at kapag hindi ka pa bumangon diyan tiyak mahuhuli ka sa unang klase mo!”

Pumikit muli ako at inintindi ang sibnabi ng nasa kabilang linya.

O.O 6:30 na? Tinignan ko ang Cellphone WAAAHH!!! 6:30 na nga.

Mabilis akong bumangon at kinuha ang tuwalya. Hindi pwedeng sa umpisa ng College life ko e ma-late ako. Pangit iyon bilang isang skolar.

Ligo. Toothbrush. Suklay. Labas bahay! CHARAN! Tapos na within 10 minutes tatakbo na sana ako ng pigilan ako….

“Mar sigurado kang aalis ka ng ganiyan?”

Si Aling Marissa iyon ang landlady ko. Tinignan ko ang tinuturo niya sa akin.

O.O WHAAAAAAT!!!!

Dali dali akong pumasok ulit sa bahay ko at inayos ang sarili. Nakatuwalya pa pala ako!!!! Buti nalang at napansin ni Aling Marissa kundi malaking kahihiyan ito. Kinuha ko din ang salamin ko sa mata at sinuot. Lumabas na ako ulit at nagpaalam kay Aling Marissa na humahagalpak ng tawa.

Ano ba iyan!?!?

Nakunsumo ng pagpapalit ko ang limang minuto kaya eto ako ngayon nagmamadaling magpidal ng bisikleta ko para makaabot sa school within 15 minutes. Binili ko iyan mula sa aking first sweldo pero mamaya na ako magkwento at kailangan ko ng makapasok agad.

Tinignan ko ang relos ko at may 7 minutes pa ako. Medyo malapit na din ako.

Ayan I’m here na. Pinark ko na ang bike ko sa may parkingan ng bike and takbo papuntang room. 3 minutes to go and I can make it.

SHOCKS!!! Kabilang building pa pala room ko.

*DUG*

Nabangga pa. Hayyy ka Mar!!!

“Sorry sorry po!!!”

Pagkatapos kong mag-sorry ay tumayo na ako at nagpuntang room. Walang lingon lingon.

~BELL RING~

OMG bell na. Konti nalang medyo pagod na ako pero carry lang ito. Ayan na dalawang room nalang ang lalagpasan.

 AT LAST!!!!

INHALE!!!!

EXHALE!!!

Habol ko ang hininga ko ng makarating sa room. Hindi pa ako pumapasok. Inayos ko muna ang sarili ko pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto. Nandoon na ang teacher namin ay prof pala college na.

“Good Morning po!”

Bati ko tanda ng pagglang. Late e. Tumango lang ito sa akin.

Naghanap na ako ng upuan ko doon sa dulo wala kasing naka upo. May isa ring nakaupo banda doon. Gaya ko ay may salamin din siya sa mata kaso mas maliit at nagbabasa siya. Dahil wala akong kakilala ay kakausapin ko nalang siya.

“Hi!”nakangiting sabi ko.

Tumingin ito sa akin tapos kanan nito na parang may hinahanap  tapos tumingin ulit sa akin at sinabing…

“Ako?”aniya sabay turo ng sarili.

“Oo!” ^__^

“Kinakausap mo talaga ako?”

“Oo kinakausap kita.” Ang weird naman nito.

“Ikaw palang ang unang pumansin sa akin dito.”

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at siya na ang nag-shake nito.

“I’m Je-je, Jeannie Ferreros.” ^__^

“Mar…………………..! Mariah (Maria) Allison Diaz.”^__^

Oo ako nga si Mariah (Maria) Allison Diaz ang dating sikat, maganda, mayaman, matalino at ginagalang ng lahat. Iyong nabigo sa unang pag-ibig? Haha but I decided to forget about the past. Sakit kaya. Kung kailan nagtapat ako tsaka nawasak ang puso ko. Akala ko gusto niya din ako pero nagkamali ako.

Pagkatapos ng gabing iyon ay parang nawalan ako ng pakiramdam iyong parang ayoko ng mabuhay. Hindi na nga ako pumasok after that e. Binigyan nalang ako ng special exam ng mga teachers ko para maka graduate ako ng high school. Hindi na ako umattend ng graduation at kinuha nalang ni mama ang diploma at iba kong parangal. Buti nalang talaga at nandiyan si mama at papa para i-comfort ako. Ganoon daw talaga kapag first love lalo na pag nabigo super sakit but still life must go on. Hindi naman pwedeng wakasan ko na ang lahat sa mundo.

Syempre with the help of my bestfriend (Chinee) tinulungan niya akong maka move on sa pangyayari but I can’t. Mahal ko pa e. He gives me lot of inspiration and determination to live. Kaya I decided na baguhin ang sarili ko para naman magustuhan na niya ako.

I cut my long hair just like a male hair with color brown. I visit the dentist to remove my braces. I stop using make up kahit maputla ang kulay ko kurot-kurot nalang sa pisngi at kagat-kagat sa labi para mamula. I also don’t use contact lense kaya nagpunta kami ni mama at papa sa isang optician para bigyan ako ng salamin sa mata. Pinili kong design e ung malaking salamin. Nagsimula na din akong maging madaldal with the help of Chinee na expert sa mga ganoon. And lastly I want to be independent kaya hiniling ko kay mama at papa na alisin na ang mga body guards ko at mamumuhay ako sa sarili kong mga paa.

I rent a house near sa school na pinapasukan ko dahil doon nag-aaral si Love. Nagtatrabaho naman ako sa gabi para kumita ng pera sa pang-araw araw ko. Makulit lang si mama at papa at pinipilit na sila ang magbayad ng tuition ko kasi ubod ng mahal sa CVU baka daw kung anong trabaho na ang pasukin ko para lang mabayaran ang tuition fee. Hindi ako pumayag kasi nag apply ako ng scholarship and thank God I passed it. Maintain ko nalang ang grades ko bilang isang Accounting Student.

Opposite na ako ng lahat ng sinabi niya.

I hope magustuhan na niya ako.

How I wish!

-ADJ♥

My BIG Transformation (another ending)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin