MBT 1 ♥ I Found Love

1K 19 4
                                    

Chapter 1- I Found Love

6:18am

I’m on my way to school- my last year in high school. Ang bilis talaga nang panahon. Dati maliit pa akong cute pero ngayon dalaga nang maganda. LOLS ^o^V

*Allie has a message from Chinee.*

*Allie has a message from Chinee.*

*Allie has a message from Chinee.*

Tinignan ko lang ang bag ko na kinalalagyan ang phone ko. Naka 100 message na ata siya sa akin buhat kanina. Hindi ko na binabasa at alam kong tungkol kay Arthur niya ang lahat nang message niya. ~.~”

~Chinee is calling!!!~

~Chinee is calling!!!~

~Chinee is calling!!!~

Napabuntong hininga na lang ako habang kinukuha ang phone. Siniguro kong malayo sa tenga ko ang phone ko bago ko sagutin.

~”Mariah Allison Diaz!!! Bakit hindi ka pa nakakarating hanggang ngayon? Ang sabi mo nasa pag-liko ka na. Lumabas ako pero wala ka pa din. Dinagsa tuloy nila ako. Buti nandito ang bodyguards ko.  Nasaaan ka na ba talaga?”~

Grabe parang nanay ko lang.

“Paalis palang po.”

~”HUWAAT??!!??”~

AW! Ang lakas nun.

~“Alam mong nasa iyo ang SLR ko. Kung hindi ko lang naiwan iyan diyan sa inyo hindi na kita aabalahin pa. Kailangan kong makuhaan ang unang araw nang pagpasok ni Arthur!”~

“Kahit naman hindi mo naiwan papapasukin mo pa din ako nang maaga e.”

~”May sinasabi ka?”~

“Wala.”

~“I need you before 6:30 or else you’re dead.”~

“Oo na.”

Binaba ko na ang phone. Si Chinee talaga napakakulit. Siya na nga ang nagmistulang alarm clock ko kanina e. Lahat ginagawa para sa iniirog. Kung bakit naman kasi iniwan niya pa ang SLR niya sa amin. At kung bakit din naman kasi kapitbahay ko pa ang irog niya. (sigh!)

“Miss Allie. Ayos lang po ba kayo?”

“I’m fine Jade thank you.”

“Hindi po ba kayo nagugutom? Maaga po kasi tayong umalis. May malapit na pong food chain dito. Tsaka medyo traffic din. Gusto niyo po bang kumain muna?”

Kapag bumaba ako ngayon para kumain siguradong kakatayin ako ni Chinee sa sermon. Kaso kumukulo na din ang sikmura ko e. Bahala na mamaya.

“Ok sige. Kain muna tayo.”

Nagpark na kami sa Mcdo. Pumasok na ako sa loob at nagtinginan sa akin ang mga taong kumakain doon. Obvious ba kung bakit? Andami ko lang namang body guards.

“Miss Allie ano po ang gusto niyo?”

“Burger and fries for all of us.”

“No need miss, were still full.”

“Yes need Jade. It’s an order.”

Tumango nalang siya. Ako naman ay umupo doon sa malapit sa bintana. Nilabas ko ang phone ko at nakinig sa music. Maya maya ay may umupo sa katapat kong pwesto.

Nakatalikod siya kaya di ko masyadong pansin ang mukha pero alam ko ang suot niyang uniform. Sa SSA din siya nag-aaral.

Tumingin ulit ako sa labas. May batang lumapit sa salamin. Doon sa tapat nang pwesto nang ka schoolmate ko. Mukhang nanghihigi nang pagkain. Hinintay ko ang susunod na mangyayari.

Hintay,

HIntay,

Hintay,

Tumayo ang ka schoolmate ko.

Ano ba iyan. Wala man lang awa. 

Napailing nalang ako sa ginawa niya. Iba na talaga ang mga tao ngayon. Ibang-iba.

Maya maya dumating na si Jade. Kinuha ko ang burger ko at ibibigay sana sa bata kaso nawala na ito doon. Luminga ako sa labas pero wala na talaga doon ang bata.

 Kawawa naman!

“Miss, sino po ang hinahanap niyo?’

“Ah iyong bata kanina. Kawawa naman kaya ibibigay ko sana itong burger ko.”

“Miss Allie napakabait niyo talaga. Mas iniisip niyo ang kapakanan nang iba kaysa sa sarili niyo.”

“Masyado na akong swerte Jade kaya gusto ko naman na ipamahagi sa iba ang mayroon ako.”

Umalis na kami at hinihintay na namin ang kotse na makaatras. Napatingin ulit ako sa labas.

Nagulat ako sa nakita ko.

Iyong ka schoolmate ko kasama iyong batang pulubi. Inaabutan niya nang pagkain. Agad namang kinuha nung bata iyong pagkain at sinimulang kainin. Nang masamid ang bata binigyan niya din nang inumin. Nagkamali ako. Meron pa din palang mabubuti ang loob para sa kapwa nila. Napangiti ako sa aking nasaksihan.

“Salamat po kuya. Babye!”

Umalis na iyong bata. Tumayo na din mula sa pagkaka-upo iyong schoolmate ko. Pumaling na sa likod iyong schoolmate ko at…….

O.O

Malaglag na ang lahat nang malalag-lag.

Anghel ba ito o isang angel?

Grabe ang puso ko parang may nagrarali sa loob. Pati isip ko biglang nagwala. Maygad! Paanong hindi? Isang napakagandang sining ang nasa aking harapan. Hindi lang basta imahe ang maganda maging ang kalooban. Gusto niyo idescribe ko? Huwag na baka agawin niyo pa s akin e. ^.^V

Palapit siya sa akin. Sa akin talaga?

“Miss, mukhang iyo ito. Naiwan mo kaninang lumabas ka sa Mcdo.”

Ahh! Ang phone ko. Grabe na ito, naiwan ko dahil sa kagustuhan kong ibigay sa bata ang pagkain ko.

“Salamat.”

Inabot niya sa akin at ang lambot nang kanyang kamay. Pwede na akong himatayin sa tuwa.

Kahit walang ekspresyon ang gwapo pa din. Umalis na siya. Sumakay sa bisikleta. Pinagmasdan ko lang siya habang sakay nang bisikleta at ang buhok niya ay tinatangay nang hangin.

LOVE♥

“Miss Allie?”

LOVE♥

“ Ayos lang po ba kayo?”

LOVE♥

(iyong hitsura ni Allie katulad sa anime na nakita iyong love nila. Imaginin niyo nalang. ^_^)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

N/A: ayan na ang chapter 1. Now ko lang tinayp inenjoy ko kasi iyong NARUTO SHIPPUDEN. hahaha..pasenxa na.

Baka bukas mag update na ako ulit.

Ano masasabi nioy?

VOTE. COMMENT. LIKE. BE MY FAN :)

My BIG Transformation (another ending)Where stories live. Discover now