MBT 22 ♥ Proposal

461 8 0
                                    

WEDDING Resto

6pm

Allie’s (Mar) POV

Grabe umpisa palang ng pasukan andami na agad nakapansin kay Love. Andami na agad niyang admirers and Je-je is one of them. *sigh* Paano ako makakalapit sa kaniya nito?

Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato dito sa pinapasukan kong Restaurant. Madaya ako kasi 16 palang ako pero may trabaho na ako. Akala ko nga hindi ako matatanggap e kasi pangatlo na ito sa pinag aplayan ko kaya todo pagmamakaawa talaga ng ginawa ko. Pero ang sabi nila ay huwag na daw akong mag effort mag lupasay  kasi tumatanggap daw pala sila ng working student basta may parent concern. Kaya ayan ang Lola niyo natanggap.

“Wow Mar! Ang cute mo naman sa suot mo. Nakaka-inlove!” Si Kim iyon isa sa mga ka trabaho at ka close ko dito sa Resto. Kasabay ko din iyang maglupasay noong nag aaply ako. Kasi ka age ko lang din siya. At nag aaral din sa CVU

“Ikaw ba naman makitang ganiyan ka gorgeous na BRIDE eh hindi ka ba mainlove?” Si Glenn naman iyon. Isa sa mga nag papacute sa akin dito sa resto. 1 year na siyang nagtatrabaho dito.

“Oh bakit may dyosa dito? Sino nagpapasok ng echoserang dyosa dito?” Si Andres iyon ay Andrea pala kasi hindi naman daw siya bayani pero Andres ang ipinangalan sa kaniya ng nanay at tatay niya. Yes Gay siya.

Kung mapapansin niyo ang pangalan ng Restaurant na pinapasukan ko. WEDDING Resto. Bakit nga ba Wedding Resto? June kasi ngayon at ano ba ang mayroon sa June diba maraming nagpapakasal? Kaya eto ang suot naming mga empleyado mga nakapangkasal. Ang genius kasi ng may ari ng Restaurant na ito at naisip niya ang ganitong klase ng Business. Umaayon siya sa panahon.

 “Ano ba kayo hindi ako maganda, gorgeous, pretty, cute, dyosa, engkantada, prinsesa at kung anik anik. Pangit ako. ISANG MALAKING PANG---“

Biglang tinakpan ni Kim ang bibig ko.

“Don’t say that! Walang pangit sa mundo. Tandaan mo iyan. Lahat tayo ay nilikha na kawangis ng Diyos kaya bawal sabihin ang salitang Pangit sa harap ko maliwanag?”

Tumago tango ako.

“Tama!!!”

 “Oo nga naman Mar. Hindi ka naman kasi pangit e bakit mo ba sinasabing pangit ka?”

Dahil hindi gusto ni Love ng maganda. Biglang may pumasok.

 “Hoy mga señorito at señorita baka gusto niyong magtrabaho na at kanina pa naghihintay ang mga customers?”Nakapamewang na sabi Rita-ang insecure na katrabaho ko. 2 years na siya ditto at nagpi-Feeling manager. E siya nga itong walang ginagawa. “At ikaw Mar! Kanina ka pa naghuhugas diyan hindi ka pa din tapos? Simple na nga lang iyang ginagawa mo tinatagalan mo pa? Bilisan mo na diyan at tumulong ka ditong kumuha ng orders.” Lumabas na siya. Ang init lagi ng ulo niya sa akin. I don’t know why?

“At ikaw Mar! Kanina ka pa naghuhugas diyan hindi ka pa din tapos? Simple na nga lang iyang ginagawa mo tinatagalan mo pa? Bilisan mo na diyan at tumulong ka ditong kumuha ng orders.” Ginaya ni Andrea si Rita.

Nagtawanan lang kami dahil pilit na ginagaya ni Andrea si Rita. Ang saya talaga kapag may kaibigan kang bakla ano?

Pagkatapos kong maghugas ay lumabas na ako para tumulong na sa iba. Andaming tao. Puros couple ang nakikita ko.

“Hoy Mar!” Si Rita nanaman sino pa ba? “Anong itinatayo tayo mo diyan? Kunin mo na ang orders ng mga customer.” Binigay niya sa akin ang menu at pumasok na siya sa loob ng kitchen.

Kainis lang. Parang hindi ko pa nakikitang nagtrabaho siya simula kanina. Pero ano pa ba ang magagawa ko diba? Sumunod nalang ako. Nagpunta ako doon sa tatlong bagong pasok na customer. Puro babae iyon. Teka nga! Parang pamilyar ang mga babeng iyon sa akin ha? OMG! Sila nga! Ang tres malditas! Teka parang ayokong lumapit sa kanila at paniguradong lalaitin lang ako ng mga iyon.

My BIG Transformation (another ending)Where stories live. Discover now