MBT 30 ♥ Pain Reliever

391 7 0
                                    

6:40pm

Allie's (Mar) POV

Mabilis ang ginawa kong pagpidal sa bisikleta. Naunahan ko na nga lahat ng sasakyan sa daan. Kung pwede nga lang ay mawalan ng preno si bike para bumangga ako sa poste o kaya mahagip ng mabilis na sasakyan o kaya ay matamaan ng ligaw na bala o kaya kidlatan na ako ngayon para mawalan na ako ng pakiramdam.

Ganito na lang ba ang mangyayari sa akin? Ang laging masaktan dahil sa ginagawang pang-aahas ni Je-je sa Love ko? Kung pwede ko nga lang hilahin ang kulot na malanding buhok ni Je-je para magkahiwalay lang ang labi nila ni Love kanina ay ginawa ko na sabay kame-hame wave!

For the second time and nanakawan na naman niya ng halik si Love. At for the second time ay sa harap ko niya ginagawa iyon.

Maingay sa paligid pero bingi ako para pakinggan ang mga salitang inilalabas ng kanilang bibig. Mga taong masayang nag-uusap kasama ang kaibigan, pamilya, ngayon lang mga nakita at mahal sa buhay.

Kasabay ng pagpidal ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Kasabay din noon ang pagpatak ng maliliit pang butil ng ulan sa langit. Tumingala ako para ngitian ang langit na siguro ay nakikiramay sa aking pagdadalamhati.

At sa di inaasahang mangyayari ay napatindi ang ginawa kong pagpreno ng may biglang taong lumabas mula sa sasakyan.

“Ahhh!!!!”

Pumikit ako kasi babangga ang bike ko sa kotse niya. Laking pasalamat ko na nakabukaka siya agad at hindi ko siya nabunggo. Baka magkaroon nanaman ako ng babayaran eh.

“What the heck! F*ck!”

Napadilat ako kasi pamilyar ang boses ng lalaking nagsalita. Tumingala ako para tignan ang lalaki.

“Ikaw!” sabay naming sabi.

“Pinagtatangkaan mo ba akong patayin para hindi na kita ipakulong?”

“Wala sa vocabulary ko ang pumatay ng tao.”

“Mukhang sinusundan mo ako Flat Chested?”

“Ang kapal mo ding sabihing sinusundan kita ha?”

“Hindi nga ba? Hindi mo pa nga binabayaran ang damage na ginawa mo sa kotse ko tapos dadagdagan mo pa?”

“Malay ko bang diyan ka magpapark!?”

“Dahil parking lot lang naman po ito at natural na dito ako mag-park.”

Naku pakibigyan nga ako ng bato diyan at maipukpok sa bunbunan ng lalaking ito. Nangigigil na ako eh.

“Kung balak mong magpakamatay Flat Chested huwag mo kaming idamay ng kotse ko.”

“At bakit naman ako magpapakamatay?”

“Malay ko! Mamaya iniwan ka pala ng boyfriend mo o nakita mo siyang nakikipaghalikan sa iba………”

Parang nabingi nanaman ako kasi hindi ko na naririnig lahat ng sinasabi niya. Napatulala nalang ako habang nagrereplay sa utak ang paghalik ni Je-je kay Love. Nagsimula nanamang mamasa ang mata ko.

“Oh bakit ka umiiyak Flat Chested? Iniwan ka ba talaga ng boyfriend mo?”

Habang nakatingin ako sa kaniya ay nag-unahan ng bumagsak ang luha ko. At hindi lang basta iyak ang ginawa ko. Humagulgol na ako.

“WAAAHH!!! Huhuhuhu!”

“Flat Chested? Bakit? Huwag kang umiyak dito. Pinagtitinginan na tayo ng tao.”

May naririnig akong bulungan pero bingi ako para intindihan ang bawat salitang binibitawan nila.

 “Ano ba iyan. Nagpapaiyak ng babae.”

My BIG Transformation (another ending)Where stories live. Discover now