MBT 8 ♥ Ako si Prince Charming/Knight in the Shinning Armor o siya?

528 12 1
                                    

(Note: Si Allie laging nagkukwento. Sasabihin ko naman kung sino iyong ibang nagkukwento)

Saturday 5:30am

Isla Palacio

“Dahil ako ang class adviser niyo ako ang magiging director ng play na ito. Naisipan kong kung mas maaga tayong magpapractise ay mas maganda ang magagawa natin compare sa ibang section. Hahahaha. We have 2 months para magawa ang play at itong Isla Palacio ang naisipan kong lugar na pwedeng pagpraktisan natin para hindi nila nakikita ang gagawin natin. Hahahaha”-Ms Claire

Ang aga naming umalis ng bahay at sabado ngayon nakakatamlay talaga.

“Anong klaseng hitsura iyan? Hindi ba kayo nagsipag-almusal?”-Ms. Claire

“Ma’am pwede bang matulog muna?”-Arthur (tdh)

“Oo nga ma’am puyat po kami. *Yawn!*”-Philip

“Hindi ba sinabi kong matulog kayo ng maaga? Siguro nagpuyat pa din kayo? O sige dahil maaga pa naman mag-jogging muna tayong lahat.”

“Huh?”-lahat.

“Pero ma’am---”

“Wala ng pero pero. Pumunta na kayo sa mga kwarto niyo at magsipagpalit ng pang jogging.”

Wala na kaming nagawa at sinunod nalang si ma'am.

Nagsimula na kaming mag-jogging habang si ma'am grabe parang hindi nauubusan ng energy kumanta pa.

~“We are the star section. We can never be defeated. We are the star section. We will win.”~

Ang mga classmates ko parang lantang gulay syempre kasama ako.

“Look who’s here! Ano kayang ginagawa dito ng mga lampang star section.”

“Ms Lineth hindi lang po sila lampa pangit pa.”-coco

“Hahaha.”-peachy and strawberry

Si Ms Lineth. Siya ang sexing teacher ng SSA. Wala atang ibang ginawa kundi iladlad ang napakalaking hinaharap. Ang kapal din niyang mag make up. Siya ang class adviser ng S4-5

“Aba’t nagsalita ang mga mukhang bakla.”-Ms Claire

“Oo nga naman nagsalita ng mga baklang unggoy.”-Chinee

Kapag nagkakasalubong si Ms Claire at Ms Lineth para laging may magaganap na world war. Simple lang naman kasi si Ms Claire walang arte sa katawan kaso hindi pa nagkaka bf sa medaling salita NBSB (No Boyfriend Since Birth).

“Nagsalita ang maganda? 25 na hindi pa nagkaka boyfriend. hahaha”

Nagtawanan sila. Syempre hindi magpapatalo diyan si Ms. Claire. Diba Ms Claire.

O….O Naku mukang sasabog na si Ms Claire.

“Kesa naman sa 25 na mukha ng lola sa dami ng pinagkabitan.”-Ms Claire

“Aba’t ang kapal ng mukha mo.. ano? Ano?”-Ms Lineth

“Ano? Ha?”Ms Claire

Naku mag-aaway pa ata. Inawat namin sila. Nilayo na namin si Ms Claire.

Umalis na din ang class S4-5

“Kahit kalian panira ng araw, pangulo ng dugo at panakit ulo iyan Lineth na iyan. Grr!!!!!”

>8( Ms. Claire

“Cool lang kayo Ms Claire.”-Grace

“Oo nga Ms Claire. Hindi natin sila dapat pinag-aaksayahan ng oras.”-Sophie

My BIG Transformation (another ending)Where stories live. Discover now