MBT 18 ♥ Past and Present Love

479 7 0
                                    

Writer-Yeah andaming pumapasok sa isip ko at sabay sabay kong tinayp ang story na ito. Last Chapter to para sa pinakahihintay na eksenang nasa prologue.

DEDICATED TO??? First to COMMENT will dedicate this chapter to you.

Osha please VOTE, COMMENT and be my FAN  V^_^V

ENJOY!!!!

++++++++++++++++++++++++++++++++

Love’s Room

LOVE’s POV

“Hi Love!”

O.O

Agatha?

Nakatulala ako habang tinitignan ang taong nasa harapan ko.

Nanumbalik lahat ng sakit at pighati sa puso ko. Lahat ng bagay na kinalimutan kong may kaugnayan sa babaeng nasa harapan ko ay biglang bumalik na parang kahapon lang ang lahat.

Sa simula ng aming pagkikita hanggang sa magwakas ito.

ANG SAYA!!! ANG SAKIT!!! LAHAT!!!

“Alis muna ako.”-Eros sabay sara ng pinto ng kwarto ko.

Nakatitig lang ako sa babaeng ito na minahal ko ng sobra sobra.

“Love!”

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Teka diba nakapag move on na ako? Inalis ko na nga sa isip ko pati ang pangalan ng babaeng ito pero bakit ganito? Bakit ang sakit sakit pa din. Nakapag move on na ba talaga ako?

“Love hindi ko kaya! Hindi ko kaya ng wala ka.”

Umiyak ito.

“Araw araw kong pinagsisisihan ang sinabi ko sayo noong gabing nakipagbreak ako. Bin-lockmail ako ni Ryan dahil sila lang ang may kayang maibalik muli ang aming Company. Gusto niyang ibreak na kita at siya ang maging boyfriend ko kapalit ng pagsagip nila sa kumpanya namin. Kaya nung araw na iyon ay nagawa ko iyon ng labag sa puso ko.”

Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Nanginginig ang laman ko na parang gusto kong pumatay ng kahit sino.

Bakit ganito?

Nasasaktan ba ako dahil sa ginawa niyang pagpapaalala sa akin sa nangyaring pakikipaghiwalay niya o dahil sa paggamit ditto nung gagong Ryan na iyon? Alin?

“I want us to get back. I want to start again with you. I still love you Love!”

Gusto ng isip ko na tanggalin ang kamay nitong nakapulupot sa bewang ko. Ganoon na nga ang ginawa ko pero………

O.O

Bakit ko ginawa ito?

Bakit ko siya niyakap?

Mahal ko pa din ba siya?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

12pm

SSA S Bldg

Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako.

Hanggang ngayon hindi ko mawari sa isip ko kung bakit napakabilis kong patawarin ang taong sumira at nagwasak sa puso ko. 2 linggo na ang nakakalipas ng hilingin niya makipagbalikan ako sa kaniya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng building namin. Lahat ng tingin ay nasisiguro kong sa akin nakatuon pero hindi ko pinapansin iyon dahil siya pa din ang laman ng isip ko.

My BIG Transformation (another ending)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant