"Uo na sige na. Yosi na lang tayo" tigil ko sa ka-abnormalan ni Azel

"Sige pre. Pero last na talaga. Mga uod. U  O D !!!"

"Tang*na mo. Uo na uod na sila. Hahaha. Ok ka na?" tanong ko

"Tara yosi na tayo Heinz. Text ko lang din sila kung nasan na sila"

"Mabuti pa"

Io's POV

Ano kaya yung pag-uusapan namin ni Heinz mamaya. MASINSINAN pa talaga. Ewan

*Phone Vibrates

1 message received

From: Azazel

"And we're the early bird. But there are no CHICKS

rather a lot of ugly worms! WOOOOOOOORMSSSSSSSS!!

Saan na kayo? Dito na kami ni Heinz

PM aa

#UOD x/

Azazel Here .Group"

Hahahah xD

Sira-ulo talaga 'tong si Azel. Aga aga topakin ng pagka-abnormal niya. Pero hindi naman magkaka ganun yun kung hindi totoo. Replyan ko na lang din

"Azel. OTW na kame nila Beth, Chu, Nesh, Mcah, Lourdes, Xian, at Zaire. Yung mga irreg din pala kasabay namin. UOD talaga?"

"Okay. Ingat. Uo Io. Mga UOD! Hayy naku :(" reply ni Azel

Totoo nga siguro. May sadface na. Hahaha.

Siya nga pala, kasalukuyan kaming nakasalampak sa sahig ng LRT. Kaya kami nandito ngayon dahil sa magaling na suggestion ni Micah na mas mapapadali daw pag nag-LRT kami. Bida-bida kasi, kami naman mga Uto-uto. Kwits lang.

Matapos ang mahabang biyahe na akala namin na maikli ay nakarating na kame. Una kong nakita ang grupo nila Liberty. Maya-maya lang ay lumapit na si Azel at Heinz samin.

"Tingnan niyo. Ang daming uod! Pero bawi na dahil dumating na halos lahat ng chicks." bola ni Azel

"Naman. Salamat Azel huh. Ang ganda ko lang talaga ngayon. Thanks guys. I know" sabi ni Micah na walang pumansin sa kanya

"Heinz, pre, may yosi ka pa jan? Sindi lang ako." bara ni Azel. Medyo badass xP

"Ano yang gagawin mo Mr. Watabe? Are you even allowed to do that?" sabi nang professor namin na kakarating lang. Hawig niya si Mommy Dionisia na mukhang di pa nauwe galing ballroom kagabe dahil sa outfiit niya.

"Wag mo na sindihan Azel" bulong ko kay Azel na mukhang hindi niya pinansin

"Yes, I'm allowed to do this. I was the one who bought it in the first place" sarkastikong sagot ni Azel. May sa gago talaga

"If that's the case then, Mr. Watabe. Come here. Don't worry you can keep your cigarette with you"

sabay punta naman si Azel sa harap sa tabi ni Mommy D

"Class, Mr. Watabe here would like to be the treasurer of all the class I am handling. So every class treasurer, give all the collected money to Mr. Watabe. Since he was the one who bought his cigarette I assumed that he has all the money just in case" dugtong pa ni Mommy D

Napayuko na lang si Azel habang inaabot sa kanya ang mga pera ng mga class treasurer.

Sabay namin nilapitan ni Heinz si Azel

"Ano ka ngayon. Abnormal ka kasi. Alam mo naman si Mommy D. Hahaha" sabi ni Heinz habang tinabihan si Azel at sumindi ng yosi

"Oh pre, yosi?" dugtong ni Heinz na may halong pang-aasar

Infinite Loop (on Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang