Chapter 58: Battle Royale

1.7K 81 6
                                    

Zenotia City Central District
Central Park
[10:04]

"Welcome players, today is the day that you've been waiting for! Elimination round for blah blah blah blahhhh..."

Poota, ang tagal. Naiinip na ako. Maglilimang minuto na kami halos nakatayo dito sa Central Park para opisyal na pasimulan ang event. Kapag si GM Wasper talaga ang naghost sa event sobrang haba ng introduction.

"With our new set, I'm sure na tataas ang tyansa nating manalo." Wika ni Ice habang inoorganize ang kanyang accessories sa bawat slot.

"Nope. We will not win as one. Ibig sabihin, kung sino ang matitirang buhay, siya ang mananalo. Royale Event is a battle between guilds and party with five members each. We will be teleported in one island to eliminate our opponent. The winner will be the last five player standing na siya namang makakasali sa ESports sa South Korea." Mahabang paliwanag ni Kiss na ikinalaglag panga ko naman.

"Paano mo nalaman ang lahat ng yan?" Takha kong tanong.

Mataray niyang itinuro ang GM. "Sabi ni GM Wasper. Makinig ka kasi..."

"Alam naman nating lahat na madami kayong weapon skill o kung ano pa yan. Sa pagkakataong ito, lima lamang ang pwede ninyong gamitin sa laban imbes na sampu..."

Sari-saring komento at bulungan ang namayani. Infinite ang skill na pwedeng malearn o matutunan ng bawat player depende sa class at experience. Kaya naman, sampu lang ang pwedeng magamit sa loob ng laban. Bukod doon ang passive skill ng mga items na gamit mo. Kaya kailangan munang iset ito sa skill slot para yun lang ang magagamit mo. Masyadong OP kung lahat ng nalearn na skill ay pwedeng magamit. Salamat sa bagong patch update.

"All participants will be teleported in an Island with lot of difficulties. You can gain loots, encounter monsters, and lot more to level up. You will choose five core items of your set. Kabilang na ang weapon, armor, cape, helmet at kung anu-ano pa. Which you can found along your journey in the Island..."

Wait, what?! Paanong, biglang nagbago ang rules ng event? Ang alam ko, full inventory kami papasok sa isla. At ngayon limang items lang ang pwede naming dalhin?! Ibang klase.

"In short, lahat ng limang item ninyong makuha ay random na magpapatak sa isla. Lahat ng participants ay pwedeng makuha at magamit ito sa oras ng event, at posibleng ding mapasakanya, permanently..."

"Teka! Ayoko, baback-out na ako! Ilang buwan kong pinaghirapang hanapin ang set ko tapos ipamimigay ko lang, out na ako!"

"Ako din!"

"Same here!"

"Tara na."

Nagkaroon ng malaking komosyon dahil sa sinabi ng GM. Nagsialisan ang ibang participants at halos kalahati na lamang ang natira, tansya ko! Ganon ba kahina ang loob nila?! Poota. Para yun lang ginawang big deal.

"Oww. I see, halos kalahati din ang nagbackout. Mukhang matatagalan tayo sa event. But don't worry, your goal is to get inside the safe zone before a poisonous gas reached your position. Oww, take note, mawawala nga pala ang items ninyo na nasa labas ng safe zone. Hahaha!"

"Taena! Niloloko lang ata tayo dito. Tara na!"

"Yawquena!"

Poootangnaaa! Ganon ba talaga kahalaga ang items nila? Paunti na nang paunti ang participants!

"Kung magpapatuloy sa pagsasalita si GM Wasper, I think, we will win via default. Hahaha!"

"Wag ka munang magsaya Kiss, marami pa tayong nandidito." Saway sa kanya ni tatang Beard.

Hindi dapat kami dapat magpakakampante. Base sa mga tindig ng nga natitira, masasabi kong malalakas sila. Ilang araw din akong nagpahinga dahil sa kompanya, hindi ko alam kung may naghapit sa pagpapalakas. Isa pa, nandito ang mga kasamahan ko dati! Poota!

Sina Levi, Vodka, at Cider para sa guild na Clever Jaw. Vice leader nga pala si Sid kaya di sya pwedeng sumali, gaya ni Brenda. Namamataan ko din ang Artemis, guild nina Tiara at Frieda, pero wala si Frieda dahil vice leader din sya. Tanging sina Mist at Megan. Nandito din ang No Mercy na pinangungunahan ni Hansel. Pati ang Premium Slaughter na pinangunguhan naman si Fourth. Marami pang pamilyar na tao ang nandito na nakasama namin sa guild war.

Speaking of guild war, nasaan kaya ang grupo ni Salem? Sumali kaya sila? Or nagquit na sa paglalaro?

Kahit saan ako lumingon di ko matanaw ang pigura nila. Siguro di sila nagparticipate. Siguro nga...

"Using pets, fairys, support creatures are not allowed in this event. To be fair naman sa mga wala."

Napansin kong nanlumo si Sam. Oo nga pala. May pet din sya katulad ko. Malaki panigurado ang maiitulong nun sa amin. Goodbye Lay, Paalam Chadeia. Jalgayo, Vuela at Sayonara Rosie. Di ko alam kung tama ba yung huling dalawang wika. Basta. Bahala na!

Matapos ang ilang minuto pang paliwanag at ikinumpas na ni GM Wasper ang kanyang kanang kamay. Sa hudyat na yoon, kaagad na may lumabas na magic circle sa bawat participants.

"You will be teleported in Spindle Island in three, two, one!"

Poota. Ito na namang pakiramdam na nahuhulog sa kawalan. Shet.

Spindle Island
Storm Desert
[10:15 AM]

Sa isang iglap ay sabay-sabay kaming bumagsak ng aking mga kasama sa mabuhanging disyerto.

"Ouch!" Daing ni Kiss pagkabagsak niya.

"Pfft. Arte." Irap ni Ice sa kanya.

Kaagad akong tumayo saka iginala ang aking paningin. Wala akong madetect na village at players. Mahihirapan kami nitong magtravel.

"Welcome to Battle Royale. You have five minutes to fix your set before the game starts."

Isang mechanical voice. Teka, five minutes? Poota.

"Mas maganda kung tig-iisang category ng skills ang i-pick natin. Para kung sakaling maeliminate ang isa, may chance na makasurvive ang iba." Wika ko sa kanila bago pumili ng limang skill.

Pumili na rin ako ng limang item na idadrop.

•Bloodbath Legion (Ancient)
•Orb of Lifesteal (Celestial)
•Book of Monsters (Ancient)
•Cavorite Armor (Legendary)
•Pixie Dust (Rare)

Tulad ng sinabi ko, limang skills na tigiisang category ang pinili ko

•Burial Smack (Burst, Blink, C.C)
•Shadow Step (C.C)
•Soul Drain (A.O.E)
•Dragon's Breath (Burst)
•Blood oath (Buff)

Sinamantala ko nang pagaralan ang mga ancient books kong naacquired sa mga witches - Book of Sorcery, at Book of Witchcraft. Kaya ngayon, tiba-tiba ako sa mga black magic skills pero di na ako makakalearn ng bago skills na hindi applicable sa akin. Gaya ng white magic, at ano pang elemental skill. Salamat sa pootanginang title na yan! Naging kahinaan ko pa ang white magic. Ibig sabihin, balewala ang Book of Purifying kong naacquire. Siguro, after nitong event, idedespatsa ko na ang iba kong item.

"Time's up! The Battle Royale will begin in three...two...one...start!"

This is it.

...

#★

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang