Chapter 46: Exy

2K 108 16
                                    

Nong pinalitan ko ang font. Serif to Source Sans Pro, ngayon ko lamang napansin na may kulay pala ang emoji ko na "◆"! Grabe. Hahaha. Pero ngayon napalitan ko na. Pasensya na po sa colored emoji. Sorry...hehehe.

...

Sycamore Tree
[11:00 AM]

Napansin ko na masyado na pala akong nakababad sa paglalaro. Kung susumahin, lampas isang araw halos ang oras na iginugugol ko sa paglalaro. Ang inaalala ko lang, tiyak na may ibang players pa na mas matagal na nakababad kesa sa akin. Kaya nais kong kunsultahin ni lolo sa aking naisip na ideya para masulusyonan ito. Para na rin sa ikagaganda ng kumpanya at ikagaganda ng kalusugan.

"Hi, my name is Exy..."

Nanlaki ang mata ko nang may lumitaw na isang batang babae sa aking harapan. Itim ang mahabang buhok ay maamo ang pagmumukha. Nakasuot siya ng puting bestida habang nakapaa.

"Potaa!"

Sa aking gulat ay napatayo ako sa couch. Akma akong bubunot ng Cavorite sword pero nakanormal set nga pala ako. Akma kong huhugutin ang Angel Justice sa aking bewa-

Bwisit! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Masyado akong nalulong. Nasa labas nga pala ako ngayon ng laro. Hayy. Bwisit. Nasaan ba kasi si lolo?

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hi, my name is Exy. The cutest special AI of Sycamore Tree. The cutest AI of Exyvius Fantasy Online. The cutest among the cutest..." Taas noo niyang pagyayabang.

Artificial Intelligence? Ngayon ko lang nakita tong AI na to dito. Nakatayo siya na parang isang normal na bata. Kahit ang kanyang pangangatawan iisipin mo talagang bata. Walang anang bahid na pixels ang kabuuan niya.

Sinubukan kong hawakan ang kanyang mukha. Tulad ng inaasahan ko, tumagos lamang ito. Isang holographic 3D image. Ibang klase na talaga ang teknolohiya ngayon. Karaniwan may pinagmumulan ang hologram gaya na lamang sa tinutungtungan nila.

Masubukan kaya ang talino ng AI na to.

"Exy,"

"Yes kuya Valk." tugon niya habang may matamis na ngiti sa labi

Woah. Kuya Valk. Pakiramdam ko may kapatid akong babae.

"Nasaan si lolo?"

"Papa Samuel is currently on a business trip overseas with JiTech."

JiTech? Sa pagkakatanda ko, ang kompanyang yoon ang nasa likod ng mga game consoles. Gaya na lamang ng in demand ngayon pagdating sa virtual reality game. Sila ang gumawa ng Dimension Glass. Kung saan isusuot mo lang ito sa iyong mata saka daldalhin na ang diwa mo sa loob ng game.

"The business trip takes 3 days. So Papa, leave you an important message."

Papa? Kung ganon may kapatid pala si papa? At may tita akong mas bata sa akin?! Ehh? Sari-sari na si lolo.

"Anong message?"

"Ehem. Apo, tatlong araw akong mawawala. Gusto kong ikaw muna ang humawak ng kompanya within three days. I want you to be an acting CEO. Nandyan naman si Exy na siyang tutulong sa iyo. Bye."

Base sa background ng message, mukhang nasa loob siya ngayon ng hoverplane. Napansin ko din ang dalawang GM sa kanyang likod. Si GM Wasper at si GM Lea.

Teka teka. Acting-CEO?! Langya!

"Papa wants you to hold the company. And I'm here to guide you 24/7."

"Teka Exy. Seryoso ba si lolo? Hahawakan ko tong kompanya sa loob ng tatlong araw?! Potaa! Ang Miracle Emporium nga di ko mahawakan! Buong Sycamore Tree pa kaya! Global server plus local server. Million of players worldwide! POTAA!"

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now